Inip na inip na ako sa bahay. Gusto ko nang pumasok. Bwisit na sugat ito! Nakakaburyong mag-stay sa bahay. Para akong nasa bartolina. Kung wala nga lang akong gitara, baka namatay na ako sa lungkot.
Pinagpalit-palitan ko na ang paggigitara, panunuod ng TV at pag-i-internet para di ako mainip. Pinilit ko rin umidlip bandang alas-dose. At nang magising ako, dumating na ang aking love of my life, si Dindee. Siya nga ang gumising sa akin. Akala ko nananaginip ako.
Pinasalubungan niya ako ng buko shake at hambuger. Sweet.
Hindi ko sinabi sa kanya na naiinip na ako. Baka kasi isipin niya na nami-miss ko si Riz. Tampururot na naman..
Nilinis ni Dindee ang sugat ko. Nakakatuwa dahil hindi siya natatakot o nandidiri. Pwede nga siyang maging nurse. Sarap niyang mag-alaga. Kaya pala kampante si Mommy na hindi niya ako puntahan. Okay lang naman. Si Dindee lang ay sapat na.
Pagkatapos ng dinner namin, hindi ko na kinulit si Dindee kasi andami daw niyang assignment. Naghahanda rin siya ng kanyang report. Hindi naman siya nagpatulong sa akin. Nakuntento na ako sa pagsulyap sa kanyang magandang mukha habang nagsusulat siya. Minsan nga nagkakasalubong ang mga mata namin. Napapangiti kaming pareho. Magtatabon pa siya ng libro sa mukha dahil sa hiya. He he.
Si Daddy naman ay busy sa cellphone niya. May katext. Panay ang ngiti habang pumipindot. May naaamoy akong malansa. Mukhang may babae na naman ang aking chickboy na ama. Walang Joe!
No comments:
Post a Comment