Followers

Friday, September 5, 2014

Sabay Tayo

Sabay tayong mangarap
Abutin ang tuktok ng ulap
Sabay tayong lumipad
Malalayang ibon, ating katulad
Sabay tayong maglakbay
Sa agos ng ating buhay
Tunguhin natin ang daigdig nila
Baguhin natin, tuloy magpakilala
Na tayong dalawa
Sa pangarap ay iisa
Halika, sabayan mo ako
Sa pagtahak ng tagumpay ko
Tayo na, sundan mo ako
Lumikha tayo ng bagong mundo
Naghihintay doon ang ating trono
Doon ay aawit tayo
Mag-iingay, hangga't gusto
Ating bubuin, bawat pangarap natin
Doon sa bagong mundo natin
Ating puksain, ating lipulin
Kaharian ng kabiguan
Sapagkat, bukas tayo'y mag-aawitan.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...