Followers

Saturday, September 13, 2014

Dula-Dulaan Para sa Araw ng mga Guro

Teachers’ Day Presentation

VO:  Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Tunghayan po natin ang  isang  nakakaiyak at nakakatawang pagtatanghal mula sa Ikalimang Baitang-Pangkat Apat at ang  inyong lingcod ____________________.

         Teaching is a noble profession, ika nga. Totoo naman dahil kung walang guro, walang doctor, walang inhinyero, walang ibang guro at iba pang propesyon. At bago nagiging guro ang isang guro, sankatirbang aralin muna ang uunawain, sandamakmak munang demonstration teaching ang pagdadaan at sandamukal munang pawis ang patutuluin bago maging isang lisensyadong guro. Well, lahat naman ng propesyon ay mahirap..ngunit, iba ang hirap ng isang guro lalo na kung ganito kagulo ang mga mag-aaral mo..

(Ang mga mag-aaral ay maghahabulan sa loob ng classroom. May mag-aaway. May magbabatuhan ng nilokot na papel. May nagsusulat sa board ng Noisy at Standing. Tapos, papasok ang teacher. Sisigaw. Magbabalikan sa kanya-kanyanag upuan ang mga estudyante..Manggigigil ang guro, ngunit walang magagawa..)

VO: Sabi ko sa inyo e.. Mahirap ang maging guro. Idagdag mo pa ang walang katapusang paperworks..

(Papasok ang isang bata, may iaaabot sa teacher..)

Dialogue:
Bata: “Mam, pinabibigay po..”
Teacher: “Salamat….Ano naman kaya ito. Diyos ko, gawain na naman at due date na agad.. Di ba pwedeng next month na?!”

VO: Hay! Oo nga naman, kabibigay lang tapos ipapasa na agad.. Ano ba ang teacher? LBC Express?! Tapos, dagdagan pa ng problemang ganito…

(Papasok ang magulang, kasama ang anak na may black-eyed.. Galit-na galit ang magulang…)

DIALOGUE:
Magulang: “Kayo ba ang adviser ng anak ko?’’
 Teacher: “Ako nga po. Bakit po? Ano pong problema?”
Magulang: “Ang anak ko, binugbog ng kaklase niya. At di mo raw pinansin…”
Teacher: “Ano po? Di ko pinansin? Di nga nagsumbong iyang anak mo.. Alam nilang kasisimula pa lang ng klase,di ko pa sila kilala, nagpapasaway na. Siguro may kasalanan kaya sinaktan.” Magulang: “Anong ginawa mo, bakit nangyari ang ganito? Di ba ikaw ang adviser? ‘’
Teacher: “Sir, di niyo po alam ang nangyari.. di niyo rin alam ang pinagkaabalahan ko kaya di niyo dapat ako sinisisi. Pasaway ang anak mo, kaya nasapok siya. Nasa mukha naman e.. Aminin mo, bata..’’
 Magulang: “Ah kahit na, hindi dapat ginanito ang anak ko..nasaan ang Guidance? Ipapatanggal ko ang lalaking nanakit sa anak ko.”
Teacher: “Huwag naman, alamin muna natin ang dahilan..”
Magulang:”Ah hindi! Gusto mo isama pa kita?!”
Teacher: “Aba! Bakit po? Ako pa ang may kasalanan…Kung yan ang gusto mo.. magkakasubukan tayo.. Cge mabuti pa nga.. magpamediko legal pa kayo. Ayun ang guidance!”

VO: Tsk Tsk.. Ang hirap makasalamuha ng magulang na makitid ang utak at kunsintidor. Akala siguro, uurungan siya ng teacher…ha ha. Isa pang mahirap ay ang pakikisalamuha mo sa kapwa guro..Tulad nito..

(Nakaupo ang bidang guro nang pumasok ang mahaderong guro..namumula sa  galit)

DIALOGUE:
Mahadero: “Anong problema mo?”
Bidang Guro: “Wala naman. Kayo po?”
Mahadero:”Kaw ang problema ko.. Bakit mo tooooooot ang toot ng toooot ko? Gusto mo away? Blah Blah Blah..”
Bidang Guro:” Ah ganun ba? Gusto ko lang naman wag kang makialam o manghimasok sa advisory class ko. At ang iniisip ko ay sa kapakanan lang ng kooperatiba natin dahil nakikinabang naman tayong lahat eh..”
Mahadero:’’Tooot! Gago rin ako..kaya wag mo akong gaguhin pa. Gusto mo square na lang tayo eh..”
Bidang guro:”Hindi ako lalaban sayo, ang laki mo ba namang yan..”

VO: Haha nakakatawa ang eksenang  ganyan.. Gayunpaman, part yan ng propesyon at hamon sa pagkaedukado, kung papatulan mo, mapapahamak ka lang..  Speaking of mapapahamak, mapapahamak ka lang kung mamamalo ka ng mamamalo ng mga estudyante..

(Mag-iingay ang nga estudyante.. Magagalit ang guro..Hahampasin niya ang balikat ng isang pinakamalapit  sa kanya. At akma pa niyang hahampasin ang isa, ngunit sasabihin ng bata….)

DIALOGUE:
Bata:” Ooops!! Sayang ka, Mam!

(Walang nagawa ang pobreng guro kundi ibaba ng dahan-dahan ang pamalo habang nanginginig sa galit at takot..Duduriuin na lamang niya ang pasaway na bata..)

VO: Ang hirap manakit ng bata. Sila na nga ang pasaway at abusado, sasabihan ka pa ng Child Abuse! Walang hiya.. Nagkaroon lang ng idea ng Bantay Bata at DSWD, child abuse agad. Di ba pwedeng Teacher Abuse naman? Hay naku.. Wala pang natanggal na bata sa kanyang pagpapasaway, pero marami nang guro ang natanggal ang lisensiya at trabaho dahil sa pagdidisiplina sa kanila.. Ang hirap magsalita.. Kaya ang ginagawa ng guro…

(Habang tahimik na ang mga bata….Magsasalita siya sa harap. Magkukuwento… )

DIALOGUE:
Guro:”Alam niyo ba, hindi ako ganyan noong ako’y kasing edad ninyo. Ni hindi ako napalo ng teacher ko. Ang hiya ko lang lumapit sa table ng teacher ko..At nakukuha kami sa tingin.. pero kayo, kahit murahin kayo ng murahin, di pa rin kayo nagbabago. Wala na kayong respeto sa mga guro ninyo. Para ano pa at nag-aral kami para lang bastusin ninyo ng ganito? Huwag naman ninyo kaming igaya sa inyong mga magulang o mga kabarkada. Guro kami na handang tumugon sa pang-akademikong pangangailangan ninyo. Tandaan ninyo na ang paaralan ay lugar para sa mga gustong matuto at guminhawa ang buhay pagdating ng panahon. Hindi ito Estrella, Maginhawa o anupamang kalsada dyan na inyong kinalakhan.”

(Magwalk-out ang teacher. Magbubulungan ang mga estudyante..)

VO: Ganyan ang ginagawa ng karamihan para lang mag-subside ang galit niya. Kesa naman, makapanakit pa siya. Kailanganng habaan ang pasensiya.. Kelangan magtiyaga dahil iyan ang napili at sinumpaang propesyon.. at yan din ang bread and butter. Ang hinihintay mo ngang madalas ay uwian… Pero..

(Ayaw umayos ng pila ang mga bata..  nagtutulakan..)

DIALOGUE:
Guro: “Hindi kayo aayos?! Punyeta!! Mula Kinder kayo, pumipila na kayo. Hanggang ngayon ba hindi pa rin ninyo maayos! Anong klase kayo!! Hayan! Iniwan pa ninyo ang mga kalat ninyo.. Ano?! Janitor ba ako? Hala sige,,umuwi na kayo. Magsigawan pa kayo dun sa hagdan!!!

VO: Ang mahirap pa… pati sa bahay, dala-dala mo pa rin ang mga gawain .. At, pagdating sa bahay.. may kakaharapin ding problema… Minsan nga, hindi na makatulog ang guro, dahil sa kakaisip ng trabaho. Paano ba magiging epektibong guro ..?

(Maagang papasok ang guro..Mag-aayos ng classroom. Maglilinis. Magsusulat uli. Walang humpay na kakasulat)

VO: Pero, wala naman siyang asenso.. Sabagay, di naman siya naghahangad ng dagdag sahod, sadya lang talagang committed sa trabaho ang guro.. Ni hindi na nga niya namamalayan ang oras. Susubo pa lamang siya ng pananghalian,  magsisidatingan na ang mga mag-aaral..

(Maiingay na naman ang mga bata. Labas pasok uli at naghaharutan..Kaya, sisigaw uli siya bago nakasubo ng pagkain..)

DIALOGUE:
Guro:”Ummmmupooooooooo!! Lahat kayo magsiupo.. Bakit ang aaga ninyo? Tapos, magpapasaway lang kayo.. Pakainin niyo naman muna ako.. Maaari ba?” Mag_aaral:”OPOO!!!”

(Lalapit ang isang mag-aaral. May iaabot sa guro… Babasahin ng guro…)

DIALOGUE:
 Guro: “Totoo ba to? Puro lang naman kayo pangako eh. Di ko kailangan ang pangako ninyo o ang mga regalo ninyo..Gusto ko regalo ninyo..Joke lang!! sige, anak..salamat! kain muna ako, baka maiyak pa ako..”
 Mag-aaral:”Sige po, Mam!”

(Babaliktarin ng mga mag-aaral ang blackboard..At sabay-sabay silang babati ng HAPPY WORLD TEACHERS DAY! At sabay-sabay nilang lalapitan ang kanilang guro at sabay-sabay ding sasabihing MY TEACHER:MY HERO!

(BOW!!)




No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...