Followers

Sunday, September 7, 2014

Redondo: Starstruck

“Bakit di natin alam na may Starstruck audition kanina?” bulalas na tanong ni Dindee nang napanuod namin sa balita ang tungkol sa pagdagsa ng mga teenager sa GMA.

“Bakit? Mag-a-audition ka?” Seryoso ako.

“Hindi ako. Ikaw!”

Natawa ako. “Akala ko ikaw..”

“Ikaw nga.”

“Di naman ako mag-aartista.”

“Pwede ka. Makukuha ka.”

“Di ba binigyan nga ako ng judge noong Campus Personality 2014 ng calling card. Kung gusto ko, tumawag ako kinabukasan. Ayoko kasi ng ganyan. Tama na ang simpleng buhay.”

Ngumiwi si Dindee. “Sayang..”

“Alin ang sayang?”

‘’Sayang..kasi sinagot agad kita. Sana, chinallenge kita na maging artista muna. Sisikat sana ako as your non-showbiz girlfriend.” Tumawa siya ng malakas. Natawa rin ako.

“Akala ko, sayang ang kagwapuhan ko.”

“Kapal!”

Suminangot ako. Kunwari lang.

“Joke lang! Pogi ka. Kamukha mo si Kristoffer Martin.”

“Weeh. Bolera!”

“Oo nga! Kamukha mo nga. Smile ka nga. O, ayan! Kamukhang-kamukha mo na siya!”

Natawa na ako. Niyapos ko siya at kiniliti hanggang sa magsusumigaw.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...