"Kumusta ang duty mo?" tanong ko kay Lianne nang
nagdi-dinner kami.
"Ayos naman!" Nginitian niya ako.
"Mabuti kung ganun! May kailangan ka pa bang bilhin? O, need mo na
ba uli ng.."
"Hector, nahihiya na ako ng sobra sa'yo.."
"Huwag mong isipin 'yan.. Ginagawa ko ito, para.. para sa
kinabukasan mo.."
"Salamat! Pero.."
"Welcome. Wag ka na lang mag-pero. Masaya ako't nakakatulong ako,
kahit hindi tayo magkaano-ano."
"Yun nga, eh.. Bakit, Hector? Bakit sa akin?" Tinitigan niya ako.
Tila, hinahamon niya kong magsabi ng totoo.
"Nung una pa lang kitang nakita, alam ko.. ikaw na ang babaeng
gusto kong mapangasawa. Mahal na nga kita, ngayon, Lianne." Nahiya tuloy ako sa
pag-amin ko.
"Salamat sa pagmamahal mo! Hindi ako karapat-dapat para sa'yo. You
deserve someone better.."
"Bakit mo sinasabi 'yan?"
"W-wala.. Sobrang bait mo kasi. Hindi mo deserve ang katulad
ko."
Nahulaan ko na ng gusto niyang iparating sa akin. Hindi na siya birhen.
Madumi na siya. Pero, kung alam niya lang, mas marumi ako kesa sa kanya. Kung
malalaman niya lang ang uri ng hanapbuhay ko, baka bigla siyang masuka.
Hanggang kailan ko maitatago ang lihim ko? Hanggang kailan niya
kikimkimin ang mga pinagdaanan niya? Hanggang kailan kami maglilihiman?
Hindi ko maibabaon ang katotohanan, kaya bago pa ito sumingaw, kailangan
kong maipagtapat sa kanya. Hanggang mataas pa ang respeto niya sa akin at
hanggang hindi pa ako lubog sa putik ng kamunduhan. May pag-asa pa akong
makatakas sa trabaho ko.
Paghahandaan ko ang araw na iyon..
No comments:
Post a Comment