Followers

Monday, September 15, 2014

Usapang Utak

Ang mga linta ay may tatlumpu't dalawang utak. Ang mga octopus ay may siyam na utak. Samantalang ang mga tao, isa ang utak.

Hindi mahalaga kung gaano karami ang utak ng isang nilalang o kung gaano ito kalaki. Ang mahalaga ay kung paano natin
ito ginagamit at pinahahalagahan.

Aanhin naman natin ang maraming utak kung hindi naman natin alam ang mga bahagi ng utak?

Kaya nga dapat nating malaman na ang utak ng tao ay may tatlong bahagi: forebrain, midbrain at hindbrain. Ang forebrain ay ang bahaging kumokontrol sa isip, pakiramdam, emosyon at gutom ng isang tao. Ang midbrain ay ang bahaging kumokontrol sa pandinig at paningin ng tao, gayundin sa saloobin at kamalayan. Samantalang ang hindbrain, ang kumokontrol sa koordinasyon at pagsusuri ng bawat pandama. 

Hinati din ang utak sa dalawa--- ang left brain at ang right brain. Parehong mahalaga itong mahahalaga sapagkat ang kaliwang utak ay para sa analytical processes at ang kanang utak ay para sa creative processes. It means na kapag ang isang tao ay mahusay sa pagbuo o pag-imbento ng isang bagay, o pagguhit o pagkulay, madalas niyang gamitin ang kanang utak. Palaisip naman ang taong madalas gamitin ang kaliwang utak.

Kadalasang ginagamit ng mga lalaki ang kaliwang utak, kaya sila ay rasyonal. Emosyonal naman ang mga babae sapagkat parehong kanan at kaliwa ang gamit nila. Kaya nga marahil, sila ang madalas magdalawang-isip, sila ang iyakin at madarama. He he
  
Hindi na bale kung kaliwa man o kanan ang gamit nating madalas. Dapat nating malaman na ang utak ay naaapektuhan ng kinakain natin. Sabi sa pagsusuri, mas mataas ng 14% sa IQ test ang nakukuha ng taong madalas kumain ng mga pagkain may preservatives.

Mahalaga rin ang oxygen para sa ating utak dahil ang 1/5 ng hanging ating nilalanghap ay ginagamit ng utak natin. Siyempre, mas sariwa at malinis na hangin ang dapat nating nilalanghap. Mas healthy, di ba?

Hindi naman kuwestiyon dito kung sino ang mas matalino-- lalaki ba o babae. Hindi rin ito palakihan ng utak o noo. Hindi totoo na kapag malaki ang ulo at malapad ang noo ay matalino. Weey, di nga?! Bakit si Albert Einstein?! Genius siya pero ang utak niya ay tumimbang lang ng 1,230 gramo. Kung saan maliit kumpara sa average male brain na 1360 gramo. 

Kakamangha-mangha talaga ang utak, kung numero ang pag-uusapan. Bakit? Ang utak kasi ay binubuo ng 100 bilyong neurons. Ito ang kulay-abong bagay na nagproproseso ng mga impormasyon. Meron din itong sangkatutak na blood vessels o daluyan ng dugo na kayang iikot sa Earth ng apat na beses. Ito ay umaabot sa 100,000 milya. 

Kung ikukumpara naman natin ang utak sa hard drive ng computer, ito ay may 4 terabytes na memory. Kaya nitong punuin ang 80 Blu-Ray discs o ang 850 DVD-R discs o ang 4% ng Library of Congress. See? Small but terrible.

Kaya nga, may mga taong kayang mag-memorya ng impormasyon sa loob ng konting segundo. Sa katunayan si Ben Pridmore ang tinaguriang 'champion of memorization' sapagkat kaya niyang i-memorize ang pagkakaayos ng mga baraha sa loob lamang ng 26.38 na segundo.

Ngayong alam na natin ang mga impormasyong ito, pag-isipan nating maigi kung paano iingatan ang ating utak upang maging kapaki-pakinabang ito sa ating sarili at sa iba. Kung mautak man tayo o matalino, hindi na iyon mahalaga. Ang importante kung paano natin pagaganahin ang ating nag-iisang utak, dahil hindi tayo linta o octopus. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...