"Salamat, Mommy!" Text ko 'yan sa kanya nang dumating si Dindee at binati na niya ako. Alam ko, malaki ang naging papel niya para ma-realize ng girl friend ko na ang pagtatampo niya ay immaturity.
"Welcome, nak! Uy, ung kanta mo sa Teachers' day, ha."
"Opo. Ngrready n po aq.!"
"ok. cge. ingat. ung sugat mo. wag msyado malikot."
"opo. dto nmn po c dindee"
"oo nga kampante n aq.''
Naggigitara ako nang dumating si Dindee mula sa school. Masaya niya akong binati. Tapos, kinumusta niya agad ang sugat ko na parang nurse.
"Teka..teka..ikaw ba yan?" biro ko.
"Ang yabang mo!" Hinampas pa niya ang braso ko.
"Aray!"
"Ang arte! Ang layo kaya sa sugat mo. Tusukin ko pa yan, e."
"Subukan mo..hahalikan kita."
"Ay, wag na."
"Pakipot. If I know, na-miss mo si Redondo.."
"Hoy, feeler! Naaawa lang ako sa'yo dahil walang mag-aalaga sa'yo! Kapal nito. Dyan ka na nga. Makapagbihis na nga! Hmp!"
Tawa ako ng tawa. Tapos, sinundan ko siya.
"Lumabas ka muna. Magbibihis ako!" Tinulak pa ako palabas.
"Yung sugat ko..magdudugo.."
"Kaw kasi, e Labas na muna..."
"I miss you." Pabulong kong sinabi. Kumindat pa ako sa kanya at nag-smile ng napakatamis.
"Oo na! Labas na! May gagawin pa ako."
"I miss you nga!"
"I miss you, too! Yan, nasabi ko na!"
"Yehey!" Lumabas na ako.
"Sira! Joke ko lang yun!"
"Wala ng bawian. Miss mo na nga ako.."
Nagkulitan kami pagkatapos. Na-miss nga namin ang isa't isa.
Hindi na namin napag-usapan si Riz.
No comments:
Post a Comment