Followers

Saturday, September 13, 2014

Ang Tisa Ni Maestro 11


Ikalawang taon ko na sa public school. Ikalawang principal na rin ang makakasama ko. Kahit sinabi ng una kong principal na huwag namin siyang ikumpara sa bago naming punungguro, hindi pa rin naming maiwasan.

Marami talagang pagkakaiba-- good and bad. Gayunpaman, hindi naman ako nag-iba as professional teacher. Itinuloy ko pa rin ang aking dedikasyon. Hindi nagbago ang aking pagaging maagap at pagiging masipag sa pagtuturo. Sa katunayan, ako ay naging batayan ng oras ng mga kasamahan kong guro sa tinuturuan naming Ikalimang Baitang. They called me 'Mr. Wall Clock". 

Ayan na si Mr. Wall Clock! Sabi nila, minsan kapag parating na ako sa classroom nila. Hudyat kasi ang pagdating ko na kailangan na nilang makipagpalit ng klase sa akin. Wala kasi akong inaaksayang oras. Turong-turo daw ako lagi. Iyon naman kasi ang tama. Pinapasahod ako ng gobyerno ng tama, kaya ibinabalik ko iyon ng husto sa mga mag-aaral.

Kaya nga nainis ako sa principal namin dahil pinaratangan akong nagpi-Facebook sa oras ng klase. Oo, lagi akong naka-online. Unlimited ang load ko, eh. Nasa table ko lang naman ang laptop ko. Naka-log in ako sa Facebook. But, it doesn't mean na inaaksaya ko ang oras. 

Nag-PM siya sa akin. Sabi niya: "Vacant ka?" Hindi ako nag-reply. Sumilip lang ako, noon. 

Kaya ang ginawa ko, laging naka-turn-off ang chatbox ko. Online ako, pero invisible sa naka-online. He he. Diskarte lang iyan.

Okay na sana ang lahat. Kaso, pinasabihan niya pa ako sa grade leader ko. Sa meeting pa nila ako pinagtsismisan. Ni hindi nila narinig ang side ko. Mga walang modo! Mas malala pa nga ang ginagawa ng iba. Online lagi at nahuhuli pa niyang nagpi-Facebook gamit ang laptop at cellphone.

Sa inis ko, hindi ko siya pinapansin. Dati-rati ay binabati ko siya kapag nakakasalubong ko sa koridor. nang ginawan niya ako ng masama, never ko na siya binati at pinapansin. Pinaramdam ko sa kanya ang galit ko hanggang siya mismo ang gumawa ng way para kausapin ko. Nagtanong pa nga siya sa GL namin kung galit ako sa kanya.

Mahirap palang gumawa ng tama. Minamali ka. Kung sino pa ang nagpakabuti, siya pa ang huhusgahan. 

Masipag talaga ako. Ayaw ko kasi ng walang ginagawa kaya kahit di ko na gawain ay ginagawa ko pa. Nag-remedial reading ako sa dalawa kong estudyante. Kaya lang nabawasan na ang time ko sa pamilya ko. Ang oras na dapat para sa kanila pa ay nakakain pa sa pagtuturo. Libre.

Dahil naman sa kasipagan, nagkasakit ako. Naging sakitin. Ilang beses akong nagkasakit at naospital sa school year na iyon. Nalampasan ko naman ang mga pagsubok. Nakabalik sa klase. At, naging inspirado uli sa pagtuturo. Kaya lang, dahil doon may mga na-miss akong activities.

Gayunpaman, marami pa rin akong naging activities--- pinasali sa cheering competition, pinag-train ng MTAP at journalism. Naging feature writing discussant pa ako ng journalism seminar ng mga bata. First time.

Marami din akong natutunan. Kahit paano ay may naidulot na maganda sa akin ang pamunuan niya. Siya kasi ang nakapang-engganyo sa akin na mag-masteral. Kaya lang, nahinto rin ako pagsapit ng second sem dahil nga sa naging sakitin ako.

Masasabi kong ang second year ko as permanent-regular teacher ay sulit, masaya at di ko malilimutan. Maraminng bagay ang dapat kong i-cherish at dapat na ring kalimutan. Hindi lang problema sa estudyante at paaralan ang kinaharap ko. Nagkaroon din ako ng problemang pampamilya na related sa school.

All in all, it's awesome! Nagamit ko nang husto ang tisa ko, kahit sobrang naughty ng mga pupils ko, to the point na kailangan ko silang saktan---- paluin ng dos po dos sa paa (nakasapatos naman) kapag di-nagpaalam sa paglabas o kaya kapag tayo ng tayo; at hatawin ng stick ang balikat kapag maingay o magulo. Mabuti nga ay hindi ako naireklamo. 

Sabagay, alam naman kasi nila kung bakit ko iyon nagawa. Alam nilang kasalanan nila. Ipinauunawa ko kasi sa kanila ang kasalanan nila.

Noon ko nga naisulat ang mga lathalain kong may kinalaman sa pagiging pasaway ng mga mag-aaral sa panahon ngayon--- gaya ng "Sana Mayroon Ding Teacher Abuse".

Na-realize ko. Mali pala ang mga gawaing iyon. Hindi nakakatulong. 

Di bale, may next school year pa naman.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...