Followers

Tuesday, September 30, 2014

Redondo: Samahan

Okay na naman ang sugat ko. Medyo natuyo na. Sa tulong at matiyagang pag-aalaga sa akin ni Dindee ay mabilis itong gagaling at magiging peklat. Wala na rin ang takot at galit ko kay Leandro. Napatawad ko na siya.

Nagkausap uli kami ni Riz kanina. Gumawa kasi siya ng paraan na magkatabi kami. Nagpatulong na naman siya, but that time, kay Roma naman. Kunwari, tinawag ako ng best friend na upang magpaturo sa Math. Iyon pala ay makikipag-usap lang sila sa akin.

Wala namang masama sa action nila. Nakipagkulitan lang sila. Simula kasi nang maging kami ni Dindee ay naging malayo na ako sa kanila. Ngayon ay ibinabalik nila ang dati naming samahan.

Nakisali na rin sina Nico, Rafael at Gio. Napagalitan pa nga kami ng guro namin sa THE. Ang ingay kasi nila masyado habang may activity kami.

Kaya, pagkatapos ng klase ay nagkayayaan kaming mag-KFC (Kikiam, Fishball at Coke). Ang ingay talaga nila, kahit sa public place kami. Hinayaan ko na lang din kasi masaya naman at hindi nakakasakit ng kapwa. Ang mahalaga ay buo uli ang samahan namin.

Alas-tres na ako nakauwi. Inabutan ko nga si Dindee na nagpi-Facebook.

Hindi naman siya nagtanong kung saan ako galing, kaya di ko rin sinabi. Saka, di ko rin naman talaga ikukuwento. Selosa pa naman siya.

Pagkabihis ko ay niyaya niya akong manuod ng Youtube videos. Nanuod kami ng mga videos ng Jamich. Idol niya raw ang dalawa. Well, okay naman. Kahit paano ay nakakatuwa at nakakakiIig naman ang mga stories nila.

Tinuruan niya rin akong gumawa ng Wattpad account. Narinig ko lang ito kay Riz at Roma. Nagkainteres ako. Someday, magsusulat ako.

Monday, September 29, 2014

Redondo: Meeting

Sa pamimilit ko kina Daddy at Dindee, nakapasok pa rin ako. Wala silang nagawa nang naligo na ako at nagbihis para pumasok. 

Nakakainip sa bahay. Sila kaya..

Sa school, balik na agad ako sa pag-aaral. Marami akong na-miss na lessons. Pero, ayos lang, kaya ko pang i-catch-up.

Tinawag ako ni Mam Dina sa labas ng classroom. Kinausap ng ilang sandali tapos lumabas na si Riz. Set-up yata ang nangyari. 

"Red, sorry, sorry.." Maluha-luha niyang sabi, habang hawak niya ang kamay ko. "Kasalanan ko. Nadamay ka pa tuloy."

"Walang problema yun, Riz. Si Leandro ang may kasalanan ng lahat. Saka, okay na naman ako. Huwag ka ng mag-alala masyado. Learn a lesson na lang."

"Salamat!"

Nginitian ko siya at tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Kaya, agad niya itong tinanggal at nag-sorry.

"Alam ko, galit na galit sa akin ang girl friend mo.. Pakisabi naman, sorry sa kanya. Hindi naman kita inaagaw sa kanya."

"Hindi siya nagagalit sa'yo. Basta, huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Tingnan mo nga, napapabayaan mo na ang studies mo. parang di na ikaw si Riz. Sige ka, matatalo kita." Biro ko pa.

"Oo nga, Red, e. Matatanggap ko naman kung matalo mo nga ako. You deserve it.  Tara na, pasok na tayo. Baka may makapagsumbong pa nito sa gf mo."

Nang pumasok kami, medyo, nabuo na naman ang pagkakaibigan namin. Nakahinga na rin marahil siya ng maluwag.

Bago, ako umuwi, nakipag-meeting ako sa mga SSG offiecers ko. Dumating din ang adviser namin. Pinag-usapan namin ang Teachers' Day Celebration na gagawin. Kasado na. Good thing, very supportive at understanding ang mga kasama ko. Sila na daw ang gagawa lahat, since di pa ako pwedeng kumilos ng kumilos. 

Sa bahay naman, habang nagdi-dinner kami., naikuwento ko kay Daddy ang tungkol sa celebration para sa mga guro. Pupunta daw siya bukas para makipag-meeting din sa mga GPTA officers niya. Iti-text niya daw muna mamaya.

Bago ako natulog, naggitara muna ako. Nag-practice ako ng kakantahin ko sa school ni Mommy. Si Dindee ay nakatingin lang sa akin. Panay ang sulyap. 

"Araw-araw akong nai-inlove sa'yo, Red! Bakit ganun? Bakit kasi ang ganda ng boses mo, ang gwapo mo pa?" Kinikilig siyang nagsasalita.

Naging speechless naman ako sa papuri niya. Nginitian ko lang siya.

"Sana..sana.."

"Sana ano?'' Tanong ko. Hindi niya na kasi itinuloy ang sasabihin niya.

"Sana, ikaw na nga.."

Tumawa kami pareho. "Kanta yun ah.."

"Oo nga. Pakitugtog naman, o. please.."

Sunday, September 28, 2014

Redondo: Chaperon

Nagkaroon kami ng chance na magkuwentuhan ni Daddy nang naunang nakatulog si Dindee, kaninang hapon. 

"Red, hindi na tayo nakakapasyal ah." sabi ni Dad.

"Oo nga po, Dad. Pareho na po kasi tayong busy."

"Ikaw lang naman ang busy, e.." Medyo may bitterness ang pagkasabi niya. Pero, nakangiti siya sa akin.

"Nagtatampo si Daddy.."

"Hindi naman masyado. Konti lang." Ginaya pa niya ng tono ng sa commercial ng Mc Do. Natawa kami pareho. "Simula nang naging kayo ni Dindee..lagi ka ng busy. Hindi mo na ako niyayayang magbasketball o kaya mag-bike. Siya na ang kasama mo, eh."

Tumawa muna ako. "Sabi ko na nga ba, e. Alam mo, Dad..Gusto kitang isama, kaso baka isipin mo na.."

"Wala naman akong reklamo. Nagsasabi lang ng nararamdaman. Saka, kay lang iyon. Mamaya may magsabi sa akin na chaperon lang ninyo ako. Mapahiya pa ako. Gusto mo ba yun?"

"Siyempre, hindi po."

Naunawaan ko naman si Daddy, Mabuti nga, ni-remind niya ako. Actually, nlimutan ko na nga siyang yayaing maglaro ng basketball at mag-bike. Tama naman siya. Noong wala pa si Dindee sa buhay ko, kaming dalawa lang ang magkasama sa pasyalan. Ngayong nagka-girlfriend ako, lumayo na ng kaunti ang loob ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Nakaka-guilty.Hindi ko dapat siya bina-balewala.

Kaya, pagkakain namin ng dinner, umalis kami. Niyaya ko siya at ni Dindee na maglakad-lakad. Pumunta lang kami sa Luneta. Dalawang oras kaming umupo lang sa bench at nagtawanan. Ikinuwento kasi ni Dindee ang mga ginawa ko kagabi sa party.

Hinayaan ko na si Dindee na ikuwento niya. Ang mahalaga ay napasaya ko si Daddy.

Nagplano din kami ni Daddy ng gagawin naming mga pakulo sa Teachers' Day sa school namin, since pareho kaming may ginagampanang papel sa school. 

Alas-diyes y medya na kami nakauwi, mula sa pamamasyal. Ang saya namin..

Paalam at Kita-Kits



Paalam na sa’yo, aming kaibigan
Tutungo ka na sa bagong paaralan
Tiyak sila din sa’yo ay masisiyahan.

Huwag mo lang sanang kalilimutan
Ang dati mong mga kasamahan
Gayundin, ang mga pinagsamahan.

Ang 3some ay huwag kaligtaaan
Ang hideout ay huwag talikuran
Lagi itong bukas, ika’y inaabangan.

Si Makata O na iyong kaibigan
Nalulungkot man sa iyong paglisan
Masaya din kasi sa’yo’y may natutunan.

Kahit si Mamu, gusto kang pigilan
Makasama ka lang ng matagalan
Ngunit, wala siyang kapangyarihan.

Paglipat mo nga’y di na matutulan
Basta lagi mo kaming papasyalan
Doon sa hideout tayo’y magtawanan.

Sina Mama L , Gloria at Plus One
Mamimiss ka rin, pati ang kakenkuyan
Isama pa ang warak na kuwentuhan.

Tama na ito, hanggang dito na lang
Baka ako’y maluha at saka magkaiyakan

Kita-kits na lang doon, tayo’y magkakainan.

Redondo: Lasenggo

Kagigising ko lang.

Grabe! Ang sama ng pakiramdam ko. Nasusuka ako. 

"Ayan kasi, ayaw magpaawat! Akala mo ang galing mo sa inuman!"  pagalit sa akin ni Dindee.

"Huwag kang magalit, Dee. Masaya naman ako kagabi sa party ng kaklase mo."

"Oo nga, e. Nung una, aloof ka. Pero nang nakatikim na ng beer, dumaldal na."

"Madaldal ba ako?" Natawa ako. Hindi ko na matandaan.

"Ay hindi! Tawa nga sila ng tawa sa'yo, e. Ang kulit mo pag lasing ka. Sobra." 

"Hindi ko alam yun!  Ang alam ko, pinakanta niyo ako ng pinakanta.."

"Oo. Sumasayaw ka pa nga. Dirty dance. Eww!"

"Hala! Hindi nga?"

"Oo nga!" Tumawa siya.

"Kagatin kita dyan, e. Gumagawa ka ng istorya."

Pumasok si Daddy.

''Daddy, o. Si Dindee, inaaway ako!"

Ngumiti si Daddy. "Lasenggo ka kasi. Buti nga sa'yo. Sige, Dindee..awayin mo pa."

"Ako ang anak mo, Dad. Kampihan mo ako." sabi ko naman. 

Tawanan kami. Binatukan pa ako ni Dindee.

Siguro kong nakita lang nila akong nagsuka, baka lalo nila akong asarin.

Friday, September 26, 2014

Redondo: Parang Bata

"Nagpakapagod ka naman?!" Nagulat ako sa galit na boses ni Dindee nang dumating siya mula sa school at nang makita niya akong dinadampot ang remote control car ko na nakarating sa ilalim ng dining table.

"Dindee! Andito ka na pala. Musta ang schooling?"

Hindi siya sumagot. Nilapitan niya ako at nilapirots ang tainga ko."Tigas talaga ng tainga mo! Di ba sabi ng doktor na bawal ka kumilos ng kumilos?!" Piningot na niya ako ng tuluyan. Tapos, nilapag niya ang bag sa mesa. Nameywang pa.

"Hindi naman ito nakakapagod, ah."

"Talk back and your dead!" Seryoso siya. Gusto ko sanang magbiro na title iyon ng Wattpad story at naging pelikula, kaso kumurba na ang mga kilay.

Ngumiti na lang muna ako at umaktong siniper (zipper) ko ang bibig ko. 

"Hmp!" inismiran niya ako bago pumunta sa kuwarto niya para magbihis.

"Gangster na, mataray pa." Tumawa ako. 

"Tse!"

Nakakatuwa ang girl friend ko. Tsk tsk.

Mas natuwa pa ako nang magsumbong siya kay Daddy nang ang di-dinner na kami. 

Nagalit sa akin si Daddy pero di ko ininda. Natutuwa kasi ako sa facial expression ni Dindee. Takot na takot na bumulwak ang dugo sa stitches ko. 

Tapos, maya-maya, nag-text naman si Mommy. Nagsumbong din sa kanyan si Dindee. Parang bata ang girl friend ko. Nakakatuwa. Lalo tuloy akong nai-in-love sa kanya. Ayiie!


Thursday, September 25, 2014

Redondo: Kapatid

Natulog naman ako maghapon. Pagkaalis nina Dindee at Daddy ay bumalik ako sa kama. Alas-onse na ako bumangon para initin ang ulam ko. Tapos, alas-dos hanggang alas-kuwatro ay tulog ako.
Sarap sana ng buhay na ganito, kaya lang ay mas gusto ko ang nasa school at nag-aaral. Hindi ako sanay na di gumagana ang utak ko.
Kapag nasa school ako, gamit na gamit ang utak ko. Pag nasa bahay ako parang pumupurol. Pero, parang ngayon lang na may sugat ako. Emo lang siguro ako.
Masaya naman ako nang gumising na ako at nakita ko si Dindee. Siguro ang pagiging wala niya ang dahilan.
Kaya, kanina, naglakad-lakad kami. Marahan lang naman. Naglakad ng naglakad na walang direksiyon, habang nag-uusap.
Napag-usapan namin ang mga plano namin sa buhay. Sabi niya, gusto niyang magkaanak ng dalawa. Lalaki at babae. Biniro ko nga. Sabi ko, ayoko pang mag-asawa. Gusto at plano pa lang naman daw.
Ang medyo malungkot ako ay nang sinabi niya na dati daw ay kapatid lang ang turing niya sa akin. Dahil wala nga siyang kapatid, kaya iyon ang naramdaman niya sa akin. Na-in love lang daw talaga siya sa boses ko.
Okay lang naman. At least, kami na ngayon.

What Inspired Me?

My story is what inspired to become educator and enter this noble profession?
When I was a kid, I love to go to school. I love to study. I love every lesson, that teacher teaches us. That's why I always been in the honor roll, not on the top, but not in the bottom. It's because, I only stayed one school year in a school. The reasons were homelessness, family problem and crisis. However, they never hinder my eagerness to learn and to achieve.
Five years after, I went back to my homeland. That was when I found myself teaching my little sister and her playmates how to read and to count. I acted as their teacher, without knowing that teaching is my real choice.
High school life seemed miserable for me, but it did not ruined my love for education and learning. I struggle. I study hard. I achieve.
During my collegiate years, my love for education was on the highest point. I took up not Education course. I preferred business course instead, because I feared the Licensure Examination for Teachers. I then failed. My life, my family, my children and I suffered from this failure. Wrong choice, I think.
Then, one day, after more than four years of being unemployed, my uncle told me that he's willing to finance my studies. I did not immediately decide. I pondered. I reminisced.
I remember my college professor, who was a very good teacher that time. (She was a principal when she passed away.) She once told me that a student like me should be a teacher, not a commerce student. Those words are my inspiration---one of my inspirations, rather. I wanted to follow her steps because she inspired every student. She has inspired me.
Now, I am teacher. I inspire my pupils just like every teacher, I had, has done to me. Though, some of the inspirations of my former teachers were not spoken, they all helped me to become what I am today. This is also why I love teaching, I love to teach and I love teachers!
HAPPY TEACHERS' MONTH!

Wednesday, September 24, 2014

Redondo: Walang Joe!

Inip na inip na ako sa bahay. Gusto ko nang pumasok. Bwisit na sugat ito! Nakakaburyong mag-stay sa bahay. Para akong nasa bartolina. Kung wala nga lang akong gitara, baka namatay na ako sa lungkot.

Pinagpalit-palitan ko na ang paggigitara, panunuod ng TV at pag-i-internet para di ako mainip. Pinilit ko rin umidlip bandang alas-dose. At nang magising ako, dumating na ang aking love of my life, si Dindee. Siya nga ang gumising sa akin. Akala ko nananaginip ako. 

Pinasalubungan niya ako ng buko shake at hambuger. Sweet.

Hindi ko sinabi sa kanya na naiinip na ako. Baka kasi isipin niya na nami-miss ko si Riz. Tampururot na naman..

Nilinis ni Dindee ang sugat ko. Nakakatuwa dahil hindi siya natatakot o nandidiri. Pwede nga siyang maging nurse. Sarap niyang mag-alaga. Kaya pala kampante si Mommy na hindi niya ako puntahan. Okay lang naman. Si Dindee lang ay sapat na. 

Pagkatapos ng dinner namin, hindi ko na kinulit si Dindee kasi andami daw niyang assignment. Naghahanda rin siya ng kanyang report. Hindi naman siya nagpatulong sa akin. Nakuntento na ako sa pagsulyap sa kanyang magandang mukha habang nagsusulat siya. Minsan nga nagkakasalubong ang mga mata namin. Napapangiti kaming pareho. Magtatabon pa siya ng libro sa mukha dahil sa hiya. He he.

Si Daddy naman ay busy sa cellphone niya. May katext. Panay ang ngiti habang pumipindot. May naaamoy akong malansa. Mukhang may babae na naman ang aking chickboy na ama. Walang Joe!

Tuesday, September 23, 2014

Redondo: I Miss You

"Salamat, Mommy!" Text ko 'yan sa kanya nang dumating si Dindee at binati na niya ako. Alam ko, malaki ang naging papel niya para ma-realize ng girl friend ko na ang pagtatampo niya ay immaturity.

"Welcome, nak! Uy, ung kanta mo sa Teachers' day, ha."

"Opo. Ngrready n po aq.!"


"ok. cge. ingat. ung sugat mo. wag msyado malikot."

"opo. dto nmn po c dindee"

"oo nga kampante n aq.''

Naggigitara ako nang dumating si Dindee mula sa school. Masaya niya akong binati. Tapos, kinumusta niya agad ang sugat ko na parang nurse.

"Teka..teka..ikaw ba yan?" biro ko.

"Ang yabang mo!" Hinampas pa niya ang braso ko.

"Aray!"

"Ang arte! Ang layo kaya sa sugat mo. Tusukin ko pa yan, e."

"Subukan mo..hahalikan kita."

"Ay, wag na."

"Pakipot. If I know, na-miss mo si Redondo.."

"Hoy, feeler! Naaawa lang ako sa'yo dahil walang mag-aalaga sa'yo! Kapal nito. Dyan ka na nga. Makapagbihis na nga! Hmp!"

Tawa ako ng tawa. Tapos, sinundan ko siya.

"Lumabas ka muna. Magbibihis ako!" Tinulak pa ako palabas.

"Yung sugat ko..magdudugo.."

"Kaw kasi, e Labas na muna..."

"I miss you." Pabulong kong sinabi. Kumindat pa ako sa kanya at nag-smile ng napakatamis.

"Oo na! Labas na! May gagawin pa ako."

"I miss you nga!"

"I miss you, too! Yan, nasabi ko na!"

"Yehey!" Lumabas na ako. 

"Sira! Joke ko lang yun!"

"Wala ng bawian. Miss mo na nga ako.."

Nagkulitan kami pagkatapos. Na-miss nga namin ang isa't isa.

Hindi na namin napag-usapan si Riz.

Redondo: Tampo

Kahit hindi ako papasok, bumangon pa rin ako ng maaga. Gusto ko kasing makipagbati na kay Dindee.

“Good morning, Dee!” bati ko sa kanya. Nagkakape na siya. Nauna kasi siyang nagising.

“Morning!” matabang niyang sagot. At, agad siyang tumayo para pumasok na sa banyo. Hindi pa niya nauubos ang kape niya.

Galit pa rin siya. Hindi niya pa ako kayang kausapin.

Naggitara na lang ako habang naliligo siya at habang nagluluto si Daddy ng almusal. Nilakasaan ko ang kanta ko para marinig ni Dindee habang nasa banyo.

Akala ko makakasabay ko siya sa pag-almusal pero, hindi na siya kumain. Nagmamadali daw siya. Sabi niya kay Daddy.

Umalis din siya kaagad pagkabihis.  Kay Daddy lang nagpaalam.  Nagtinginan na lang kami ni Daddy at nagkatawanan.

I tried to text Dindee pero di niya ako ni-reply-an. Tumatawag din ako pero, di niya sinasagot. Bigo ako. Nakakalungkot pero hindi ako susuko. Mag-iisip ako ng paraan para kausapin niya ako.

Maghapon akong naggitara. Idlip lang ang pahinga ko. Ayoko kasing malungkot sa mga nangyayari sa amin ni Dindee. Kaya lang, nagtext si Mommy, bandang alas-sais ng gabi. Doon daw sa kanya matutulog si Dindee. Bukas na lang daw ng hapon uuwi. Naloko na! Sobra magtampo ang girlfriend ko.

Nagpatulong ako kay Mommy na magkabati kami. Susubukan daw niya.

Nag-Good Night  ako sa kanya bago matulog. Tinext ko rin si Mommy na i-kiss niya sa Dindee para sa akin.

“Loko k!’’ reply sa akin ni Mommy. Baka lalo lang daw magalit sa akin.

Haay! Ang hirap palang umibig. Akala ko puro tamis lang..may pait din pala. Pero, enjoy naman. 


Redondo: Emo


Pagdating ko sa bahay, hindi ako kaagad pumasok. Nag-gitara uli ako sa may hardin. Tinugtog ko ang “Here Without You”.

Bago ko pa natapos ang kanta, lumabas na si Daddy. Nakangiti siya. “Emo ka, ah!”

Tumigil ako para tumawa. “Gising na po siya?

Tumingin muna si Daddy sa kabahayan, saka lumapit sa akin. “Gising na.” Bulong niya. “Kanina ka pa yata hinihintay. Di mapakali, e.”

Natawa ako. “Kasi pakipot, e.. Hayaan mo siya, Dad. Susuko din yan”

“Ssssh. Baka marinig ka. Suyuin mo na. Baka mapagod. Ikaw din.” Tatalikod na sana siya nang magtanong.” Teka, mag-almusal ka na kaya muna.”

“Tapos na po!”

“Okay! Pasok na ako.”

Nang pumasok ako, di ko nakita si Dindee. Nasa kuwarto siya. Kakantahan ko na sana siya nang tumawag si Mommy. Pinakiusapan ako kung pwede daw akong kumanta sa school nila sa October 3. Teachers’ Day kasi nila. Haranahin ko daw ang mga co-teachers niya, as surprise number.

Hindi na ako nag-atubili. Pumayag agad ako. 

Naalala ko din ang role ko sa school bilang SSG president. Kailangan ko palang magplano din para  sa Teachers’ day sa school namin. Kaya agad kong tinext ang vice-president ko. Humingi ako ng suggestion ng mga pakulo para mapasaya ang aming mga guro.  Sabi niya, mag-program daw kami. Maghanda ng mga powerpoint presentation. Mag-play ng videos na tribute sa teachers. Nag-agree naman ako sa lahat niyang sinabi. Tapos, nag-instruct ako sa kanya ng mga gagawin nila habang di pa ako makakapasok. Pumayag naman siya.

Naghanap ako sa YouTube ng kanta na para sa mga guro. Nakananap naman ako. Kaya, inaaral ko. Maghapon akong naggitara.

Saturday, September 20, 2014

Double Trouble 27

DENNIS' POV

"Hello, Kuya?!" naiinis na sagot ng kambal ko.

"Nasa'n ka? Nakauwi na ako lahat-lahat, ikaw wala pa rin. Pinaglinis mo pa ako." Malakas ang boses ko. Naiinis akong lalo sa kaniya, sinungaling, e.

"Dito ako kina Kris. Nahilo kasi ako sa dyip kanina, kaya sabi ni... niya... magpahinga muna ako sa kanila."

"Weey!"

"Oo nga."

"O, siya... umuwi ka na."

"Opo! Uuwi na po."

Buwisit! Nakaporma na naman kay Krishna. Pumupuro na siya. `Pag ako ang napuno, malalaman na nina Papa at Mama ang lihim niya.

Tiyak akong matatagalan pa si Denise sa pagdating, kaya naglinis na ako sa bahay. Ayaw ko namang magalit na naman sa kaniya si Mama, [alo lang kasi niya akong pinipikon. Akala niya, ako ang nagsusumbong sa mga magulang namin. Ang totoo, kusa nilang nakikita ang mga kabulastugan niya.

Nang dumating si Tibo, pilit niyang tinatago sa akin ang dala niyang malaking paper bag.

"Oops! Ano `yan? Patingin." Sinundan ko pa siya sa kuwarto niya.

"Kulit mo naman, Bro, e. Wala `to. It's a girl thing!"

"Whoah! Girl thing!?

"Yeah and guess what." Nang-aasar pa siya.

Nag-isip ako kunwari. "Brief?!" Then, tumawa ako nang mapang-asar.

"Aguuy! Bobito mo naman! Ganito kalaki?" Nilabas niya sa bag ang laman."O, hayan... Gown! Masaya ka na?"

Speechless ako. Medyo napahiya akong lumabas. "Okey! Girl thing nga. Goodluck, Miss Barangay!" Tumawa pa ako, habang lumabas sa kuwarto niya para `di obvious na napahiya ako.


My Wattpad Lover: Daddy


Isang e-mail ang na-receive ko mula kay Angela. Lunes ng gabi ko na ito nabasa. 

Sabi dito:

Zillion,
Kumusta ka na? 
Sorry nga pala kahapon. Naging naive ako. Hindi ko inunawa ang career natin as Wattpad writers. Sorry dahil naging selosa ako. Alam mo kasi, sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko ma-imagine na maraming babae ang umaaligid-ligid sa'yo. 
Pero, kagabi, I realize na mali pala iyon. Hindi pala dapat kita nirerendahan. Besides, fans natin sila. It is just 'paghanga' and fandom. Sila nga ay dapat nating pakisamahan dahil sila ang nagbibigay sa  atin ng kasikatan at kabuhayan. 
Sorry.. Sana mapatawad mo ako. Sana, hindi ka magbago sa akin. 
Mag-iingat ka lagi. Ako din ay iingatan ko ang sarili ko para sa'yo. Mag-aral tayong mabuti. Bihira man tayong magkasama, alam kong gustong-gusto nating makasama palagi ang isa't isa.
Bye! I love you.
Angela,

Tama naman siya pero hindi ko pa rin nabawi ang pagkawala ng respeto ko sa kanya. Dapat muna niyang maibalik ang tiwala ko sa kanya. 

I replied: "It's okay! I'll take care. I love you, too!"

Tapos, kinalimutan ko na ang isiping iyon. Hindi iyon makakatulong sa pagsususlat ko. Marami akong followers na naghahangad ng updates ko sa mga Wattpad stories ko. Kaya, hindi ako dapat paapekto sa love problem ko. Iyon din ang madalas sabihin ni Daddy. 

Marami pa daw akong mararanasang kabiguan sa pag-ibig dahil hindi lahat ng pag-ibig ay masaya. Marami din daw akong makikilalang babae. Ang iba ay manggugulo lang sa relasyon. Pero, ang sigurado, siya ay ang isa sa kanila ay siyang aking makakatuluyan at magiging kabiyak. 

Si Daddy ay masasabi kong larawan ng lalaking tunay kung magmahal. Napakapalad nga ni Mommy dahil si Daddy ang naging kabiyak niya. 

Hinahangaan ko si Daddy. He inspires me a lot. Because of him, hindi lang siguro ako magiging mahusay na manunulat, kundi magiging mabuting asawa at ama pa. 

Redondo: Luneta

Dahil natulog na naman ako kagabi na hindi pa rin binabati ni Dindee, umalis ako kaninang umaga ng alas-sais. Tulog pa si Daddy, gayundin ang girlfriend kong nagtatampo. Bitbit ko ang gitara ko at ang journal, may ballpen ako siyempre. Dala ko rin ang cellphone ko. Pumunta ako sa Luneta.

Wala pang masyadong tao doon. Ang sarap maggitara at kumanta ng malakas.

Habang sarap na sarap ako sa pagtugtog, padami ng padami naman ang mga namamasyal. Linggo kasi. Hininaan ko na rin ang boses ko para di makagawa ng atensyon. Pumunta ako doon, hindi para magpapansin sa madla, kundi magpalipas ng sama ng loob. 

Alas-siyete, nag-text si Daddy. Nagtatanong kung nasaan ako.

"Dad, d2 aq s Luneta. K lng nmn po aq. Wg nu sbhin ky Dindee. Ngttampo p rn kc. Gs2 q lng po hnapn at mmiz nia aq. :)" Reply ko.

"Ah Ok. Ingatz n lng. EnjoY!"

Tumugtog uli ako. May mga bata na kasing nanunuod sa akin. May mga lovers din na umupo malapit sa kinauupuan ko. Gusto yata ng libreng concert.

So, bilang performer, tinugtugan ko ang lahat ng mga nanunuod sa akin. Mga usong kanta ngayon ang kinanta ko gaya ng 'Treasure', 'All of Me' at iba pa. Aliw na aliw sila. Palakpakan ang mga bata, pati mga matanda. More pa daw. 

Alas-otso na. Mainit na ang sikat ng araw. Nagugutom na rin ako. "Sorry po, kailangan ko ng umuwi. Net time na lang po." Nalungkot sila. Pero, walang nagawa. Binuntunan pa nga ko ng ibang bata hanggang sa makatawid ako. 

Nag-almusal muna ako sa pambatang food chain malapit doon bago ako umuwi. Alas 9:30 ako nakarating sa bahay.

Hijo de Puta: Ochenta

"May tinatago ka sa akin?" Nakataas ang mga kilay ni Mama Sam nang nagtanong siya. Nakapamaywang pa.

"Wala!" Agad kong sagot. "Teka, anong gusto mong meryenda?"

Luminga-linga muna si Mama Sam bago sumagot. Sinabayan ko siya. Mabuti na lang at nasa cabinet lahat ng gamit ni Lianne.

"Sige, igawa mo ako ng mango shake." Tiningnan ako niya. "Ano? Dali! Tatanong-tanong ka.."

"Wala kasi akong mangga ngayon. Buko shake na lang.."

"Sige, pwede na yan!" 

Kinakabahan pa rin ako habang hinahanda ko ang shake niya. Nakahiga siya sa kama. Tapos, nagbukas siya ng drawer ng side table. Walang laman iyon, maliban na lang kung nag-iwan si Lianne ng gamit niya. Naisip ko ang planner niya. Doon niya madalas ilagay.

"Malinis ba ang banyo mo. Gusto ko sanang gumamit?"

Lalo akong kinabahan sa tanong niya. Kaya, agad akong pumunta doon. Wala namang kakaiba. Unisex ang mga toiletries namin. Nasa likod bahay ang mga sinampay ni Lianne.

"Okay! Pwede ka nang mag-CR." sabi ko kay Mama Sam, pagbalik ko. Nakaupo na siya sa kama at may kinakalkal yata sa bag niya.

"Ah.. Sige. Thank you."

Nang nasa banyo na siya, agad kung binuksan ang cabinet na ginagamit ni Lianne. Kapag, binuksan iyon ni Mama Sam, yari na!

Nakahinga ako ng maluwag nang magpaalam na siya. Tinapos lang niyang inumin ang shake. 

"Akala ko may aayusin ka sa Axis. Sabay na tayo."

"Maya na, Mama Sam. Ligpit ko muna ang kalat ko. Thanks, sa pagdalaw."

"Okay! Kelan ka kaya makakapsok sa Xpose?"

"Pag medyo humina na ang bulwak ng nana."

"Oo, sayang ang kikitain mo. Marami nang naghahanap sa'yo dun.."

"Ok. Kumusta na lang sa kanila."

"Sige.." Tapos, hinalikan niya ako sa labi bago tumalikod. Mabuti, smack lang. 




Redondo: Love Quote

Hindi agad umuwi si Mommy. Inasikaso niya muna ako. Pinainom ng gamot. Inayos niya rin ang kuwarto namin. 

Si Daddy naman ang nagluto. Si Dindee, nakaalalay lang kay Mommy. Panay ang kuwentuhan nila. Pinag-uusapan nila ang Mommy ni Dindee. 

Ginitarahan ko na lang sila. Hindi kasi ako makasali sa girls talk nila, gayundin si Daddy. 

Si Daddy naman, nagkumpuni na lang ng sirang upuan.

Alas-sais na nang magpaalam si Mommy na uuwi. Panay ang bilin niya. Huwag ko daw kalimutang inumin ang antibiotic ko. Kailangan daw tapusin ko. Iwas daw muna ako sa pagbuhat at sa pagkilos.

Pagkaa-alis niya, tahimik na naman ang bahay. Napagod na rin naman ako sa pagtugtog ng gitara kaya pumasok na ako sa kuwarto ko. Nasa kuwarto na rin niya si Dindee. Si Daddy nagsimula ng maghanda ng dinner.  

Tinext ko si Dindee, dahil niloadan nga ako ni Mommy. Sabi ko: "Bati na tyo, pleeeease!"

Question mark lang ang reply niya. 

I replied: "Pg d k nkpgbati, ppsok aq s kwrto mo."

Narinig kong kumalabog ang pinto ng kuwarto niya. Ibig sabihin, nag-lock siya ng pinto. Wise! Ayaw talagang makipagbati.

"Sorry na po, Dee." Nag-text uli ako.

"KAPAL NG MUKHA! Dumalaw pa."

Bitter talaga siya kay Riz. Wala akong magawa. Hindi ako pwedeng makipagkulitan sa kanya ng pisikal. Hindi na rin ako nag-text pa. Nag-send na lang ako ng love quote.

"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own... Jealousy is a disease, love is a healthy condition. The immature mind often mistakes one for the other, or assumes that the greater the love, the greater the jealousy. ----Robert A. Heinlein"



Redondo: Bisita

Alas-nuwebe ng umaga, dumating si Mommy. Worried daw siya sa akin. pero, tiniyak ko sa kanya na ayos na ako. Pinag-usapan na lang namin ang baha kahapon. Dapat daw ay makabili na kami ng bahay na hindi binabaha. Tutal, hindi naman pag-aari ni Daddy ang tirahan naming ito. Naiwan lang ng may-ari kaya hindi na kami nakakapagbayad ng renta. Pag dumating iyon, baka singilin pa kami.

"Hayaan mo, Mommy.. pag naging matagumpay akong musikero, papatayuan ko kayo ni Daddy ng mansion." Para akong bata pero totoo ang sinasabi ko. Hindi naman ako tinawanan ni Mommy. 

Ginulo niya ang buhok ko. "Kaya nga mag-aral ka muna ng maigi. Huwag puro puso. Mag-iingat ka din lagi."

"Opo, Mommy. Hayaan niyo na 'to. Lesson learned.."

Nandoon lang sa likod namin si Daddy. Si Dindee naman ay nasa likod ni Mommy, nakatayo.

Maya-maya, dumating sina Riz at Mam Dina.

Nagkatininginan kami ni Daddy. Nagulat din si Mam Dina sa presence ni Mommy. Ang aking ina naman ay masayang binati si Mam. Napansin ko namang malamig ang trato niya kay Riz.  Kaya, pumasok muna siya sa kuwarto ni Dindee. Sinundan naman siya ng gf ko. 

Kami ni Daddy ang nakiharap sa mga bisita ko. Kinumusta lang naman ako ni Mam. Pinayuhan din akong huwag munang papasok. Si Riz naman ay nag-sorry sa akin at kay Daddy. Nag-abot din siya ng sobre.

"Pinabibigay po ng Papa ko. Pasensiya na raw po kung hindi sila makakadalaw ni Mama."

Ayaw sanang tanggapin ni Daddy pero, pinilit siya ni Riz. 

Pagkalipas ng siguro, bente minutos..nagpaalam na ang mga bisita namin. Very sweet namang pinasalamatan ni Mommy si Mam Dina. Marahil ay hindi pa niya alam ang namagitan sa kanila ni Daddy. Mabuti na rin iyon. 

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...