Hindi ko binigyan ng pagkakataong makalapit sa amin si Fatima. Niyaya niya kaming magmeryenda pero hindi kami sumama. Magla-library kami, sabi ko. Saka, mag-rereport si Riz. Hindi natuloy ang report niya kahapon.
Nang mag-report si Riz, ako ang panay ang taas ng kamay. Tinulungan ko talaga siya para lalong mainis si Fatima. Noong nag-report kasi siya, never akong nagparticipate.
Since, nasaanay kami ni Riz ng role playing noong high school, ginawa uli naminnsa report niya. Isang malakas na tilian ang naganap pagkatapos. At gaya ng inaasahan ko, nakasimangot si Fatima. Ang haba ng nguso. Ginaya-gaya pa ang dialogue ni Riz.
"Kelngan my gnun?" text ni Fatima.
Di ako nag-reply. Walang load, e.
Nang di makatiis, hinila niya ako palabas ng room. "Kayo na ba?" Nakataasbang mga kilay niya.
Ngumisi muna ako. "Bakit mo tinatanong?"
"Sagutin mo ang tanong ko!" Demanding siya masyado.
"Oo! Bakit? May problema ba?" Nakangiti naman ako para lalo siyang inisin.
"Ang pangit mo!" Sinapok niya ako at iniwan ako. Padabog.
Nang ikuwento ko kay Riz, tawa siya ng tawa.
Nang matigilan kaming pareho, tinanong ko siya. "Totohanin na kaya natin, Riz..." Parang hindi lumabas sa bibig ko ang mga salita.
Pero, narinig pala ni Riz. "Pag-isipan mo muna, Red..." Yumuko siya.
Hindi ako nakapagsalita agad.
"Isipin mo si Dindee.." dagdag niya pa.
Matagal kaming naging tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sa kabilang banda, tama siya. Hindi pa kami tapos ni Dindee.
"Kung magmahal uli ako, sisiguraduhin kong mahal din ako." sabi pa niya nang pauwi na kami. Walang pinagmulan iyon. Basta na lamang niyang sinabi. Kaya naman, hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga katagang iyon.