Followers

Thursday, June 11, 2015

BlurRed: Brainy

Sa ikaapat na araw naming pagpasok, hindi lang ang ganda ni Riz ang napapansin ko, kundi pati ang kanyang katalinuhan. Naimpress niya kanina ang dalawa naming professor. Naimpress niya rin ako.

Kung dati rivalry ang naghahari sa aming puso, ngayon iba ang nararamdaman ko. Hindi ko na siya kalaban.

"Ibang-iba ka ngayon.." sabi ko sa kanya, nang matungo na kami sa next period namin.

Bago pa siya makasagot, isang pagbati mula sa aming kaklase ang natanggap ko. "Hello, Red!"

"Hello, Fatima!" bati ko rin, kasabay ang matamis kong ngiti.

Nang makapasok na kami ni Riz sa room, tahimik siya. At dahil wala pa si Mam, sumenyas siya na magsi-CR siya.

Maya-maya ay lumapit sa akin si Fatima at ang tatlo pa naming kaklase.

"Uy, Red! Matagal na ba kayo? Bagay kayo." si Fatima.

Ngumiti lang ako sa kanila. Ayokong sabihing hindi kami. Ayoko ring sabihing kami.

"Brainy ang jowa mo, friend. Ingatan mo baka maagaw sa'yo." biro ni Andrea yata 'yun. Basta, maarte siyang magsalita.

"Hoy, grabe ka namang magpayo.. Close ba kayo?" Tirada naman ng isang chubby girl na may nunal sa ilong.

"Hindi pa! Bakit?" Nameywang pa si Andrea.

"Umayos kayo diyan. Di na kayo nahiya sa pogi naging classmate.."  turan naman ni Fatima.

Saka namang dating ng prof namin kaya nagtakbuhan sila pabalik ng kani-kanilang upuan, maliban kay Fatima na tumabi sa akin.

Nang dumating si Riz, hindi siya umupo sa tabi ko na bakante naman. Naisip kong si Fatima ang dahilan.

Yikes! Heto na naman kami ni Riz. Parang last year lang ay ganito rin kami. Bakit kasi laging may mga babaeng asungot?

Hindi siya nakipagsabay umuwi. Mauna na raw ako. Yari na.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...