Porke't nauso ang jejemon,
kakarerin mo na.
Ang sarili mo'y huwag namang
gawing tanga.
Mali na nga,
pinangangalandakan mo pa
sa Facebook, Twitter
at ibang social media.
Basahin mo ito
kung maganda ba sa mata:
"Auko Nangang Mag Puyat
Hindi Tuloy Ako nakapaxok"
Hindi ba ito ay mali,
kahalintulad ng bulok?
Imbes na umiwas upang utak
ay di rumupok
Pinanahan dito ay mga
bukbok at alikabok.
Ika'y jejemon sa text,
ika'y jejemon sa panulat
Mga maling kataga't salita
ang iyong binabanat
Ang utak mo tuloy
ay tumitigas... kumukunat!
Akala mo kasi,
mga jejemon ay sumisikat.
Heto pa ang isang
sampol ng 'kajejehan':
"Its Okie lng nmn atlist
Di ako yung nawalan
bsta alam ko nag mahal lng ako
ng walang dahilan"
Kung ipagpapatuloy natin
ang kamaliang ito,
pagdating ng panahon,
tuwid na ang liko.
Jeje pa more,
sakupin mo na ang mundo
Ipatrending mo pa
ang jejemon mong diyalekto
at abangan mo,
mababawasan ang edukado.
Followers
Thursday, June 18, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment