Followers

Friday, June 12, 2015

Araw ng Kalayaan

Noong ika-117 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ikinuwento sa akin ng aking maglilimang taong gulang na anak ang kanyang panaginip.

"Hinuli ka ng mga tao. Nilabas ka sa school.." sabi niya.

Kinabahan ako. "Bakit? Sino ang mga humuli sa akin?"

"Hindi ko kilala. Kinuha ang kamay mo, tapos kasama ako."

"Tapos.."

"Tapos na. 'Yun lang."

Bitin pero may nais iparating. Naisip ko tuloy ang pagiging Makata O. ko o ang pakikipaglaban ko sa kasamaan o kalikuan sa pamamagitan ng tula o panulat.

Maya-maya ay nagsalita uli siya. "Pero, binitawan ka din."

Naibsan ang kaba ko. Araw ng Kalayaan nga talaga..

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 7

Isang linggo na rin ang lumipas, simula nang umuwi si Lolo sa Juban. Malaki ang pinagbago sa kasiglahan ni Elias. Marami naman siyang rason ...