Followers

Wednesday, June 17, 2015

BlurRed: Library

Kagabi, tumawag si Dindee kay Mommy para batiin siya. Maikli lang ang conversation nila. Sinenyasan ako na ni mommy na kausap ko at agad na inabot sa akin ang cellphone niya, pero nang marinig ang boses ko, hindi siya nagsalita. Nakatatlong hello ako bago niya pinatay ang connection. 

Malabo na talaga kaming magkabalikan. Wala na rin akong hangarin na suyuin siya dahil siya mismo ang naglalayo sa puso namin.

Sa school kanina, kinausap ako ni Fatima. Andami niyang tanong. Si Riz, nakikinig lang. Wala naman kaming pinag-usapang malalim. Tungkol lang naman sa mga high school days.

Naramdaman ko lang na out of place si Riz. Kaya nang matapos ang period, siya naman ang kinausap ko. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko tungkol kay Dindee. Naramdaman kong sumigla ang pakikipag-usap niya sa akin. Nalimutan niya ang pagseselos kay Fatima. 

Sabi niya, mabuti daw. Parang gusto niyang sabihin na hindi kami bagay ni Dindee. Hindi niya lang masabi ng direkta.

Sabi ko naman,  siguro.

Nag-comment din siya kay Fatima. Obvious daw.

Natawa na lang ako. Obvious din kasi siya. 

Then, nag-library kami. Andami kasi naming dapat isulat at pag-aralan. Doon, nagpakiramdaman lang kami. Panay ang tingin niya sa akin habang nagsusulat ako. Nahuli ko ngang nakatitig. Gaya sa mga napapanuod ko sa TV, tinanong ko siya kung may dumi ako sa mukha. Napangiti siya. Wala daw. 

Ang kulit! 

Ang library naging love-rary. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...