Followers

Tuesday, June 16, 2015

Uha

'Uha' ang unang salitang sinambit mo nang lumabas ka sa sinapupunan ng ina mo. Ibig sabihin, ikaw ay Pilipino.

Bakit ngayon ay ikinahihiya mong ikaw ay Pilipino?

Bakit ngayon ay hindi mo ipinagmamalaki ang Wikang Filipino?

Bakit ngayon ay hindi mo kayang mahalin ang asignaturang Filipino?

Mabuti pa ang imported na ibon, nagsasalita ng wika at diyalekto ng Pilipinas. Mabuti pa ang ibang banyaga, nagnanais na matututong makapagsalita ng ating mga salita.

Eh, ikaw? Proud ka sa inglesero at inglesera. Akala mo basehan ng katalinuhan ang English. Para sa kaalaman mo, mas matalino ang taong may pagmamahal sa sariling wika at diyalekto.

Pakaisipin mo ito. Alalahanin mo ang salitang 'uha'.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...