Followers

Thursday, June 4, 2015

BlurRed: Hinuha

Hindi pa rin ako naniniwalang gay si Jeoffrey. Isa pang test ang dapat kong gawin. Kaya, buong araw kong pinagana ang utak ko. Hindi ko na inabala si Roma. Tapos na ang papel niya. Saka, ayoko namang ibigay ang kapalit na gusto niya. Di bale na.

Naisip ko si Gio. Pero, hindi pwede. Parang hindi niya ako matutulungan. Kapag ligawan ang pag-uusapan o iuutos ko sa kanya, mabilis pa 'yun sa alas-kuwatro. Forte niya 'yun, gaya noong hinarana ko si Riz sa parke.

Gabi na nang maisip ko si Karryle. Siya ang pumasok sa isip ko dahil siya ang unang maapektuhan kapag totoo nga ang hinuha ko.

Tinext ko siya. Siyempre maligoy muna ako. May mga ginamit akong salita na 'What if?'

Tumawag siya. "Uy, hindi ah. Kung nararamdaman mo man 'yan, baka nagkakamali ka lang. Wala akong nakitang lambot sa kanyang pagkilos at pananalita." depensa ng pinsan ko.

"Ilang araw lang ba kayo nagkasama?"

Hindi siya nakasagot.

"Ako ang madalas niyang kasama. Huwag kang magalit sa.akin. Hindi naman kayo, e." dagdag ko pa.

"Hindi naman ako nagagalit. Nagtataka lang ako sa'yo kung bakit sinisiraan mo siya sa akin. Magkaibigan kayo, di ba?"

"Oo. Concern lang ako sa'yo. Pero, sige, kung ayaw mong makipagtulungan sa akin... Sana huwag mo na lang sabihin sa kanya na pinaghihinalaan ko siya. Ikaw na ang bahala kung paniniwalaan mo ang gusto mo. Sorry din."

Okay lang daw. Hindi naman daw siya magsusumbong.

Later, nagtext siya. "Cuz, blitaaN mko pg 2too nga. Tnx!"

Nag-reply ako ng 'lolz'. Akala ko, hindi pa siya mag-aalinlangan.

Kahit ayaw niya akong tulungan, alam ko na ngayon ang dapat kong gawin. Kakausapin ko siya. Siguro ay kailangan ko pa munang pag-isipan ang mga salitang gagamitin ko. Sensitive din kasi si Jeoffrey. Ayokong mag-away kami dahil hindi niya ako naunawaan.




No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...