Followers

Tuesday, June 9, 2015

BlurRed: Sampol

Hindi ako nakatulog kagabi. Si Riz ang umukupa sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang dating niya sa isip at puso ko. Naisip ko nga na baka mapalapit ako ng husto sa kanya at tuluyan na kaming magkahiwalay ni Dindee.

Hindi naman mahirap mahalin si Riz. Kung babaybayin ang nakaraan, siya ang una kong mahal. Dumating lamang si Dindee sa buhay at bahay ko kaya hindi kami nagkatuluyan.

Binalikan ko kagabi ang mga sandaling nililgawan ko si Riz. Natatawa ako pero natutuwa akong isipin na maaaring manumbalik ang dati naming pagtitinginan.

Oo! Alam kong hindi pa rin nagmamaliw ang pagtingin niya sa akin. Pero, hindi ako pwedeng magpakasiguro. Sa dami at sa tindi ng pinagdaanan niya, baka hindi niya isipin pang magmahal.

Gayunpaman, handa akong maging mabuting kaibigan sa kanya. Lalo na’t apat na taon kaming magsasama hanggang matapos namin ang kursong edukasyon. Posible rin namang magbago ang isip niya at mag-shift siya ng course. Pero, ako..desidido akong tapusin ito, no matter what.

Sa school, kanina, nagpakitang-gilas ako sa bawat professor. Gawa ng dati kong ginagawa, kailangang ma-impress ko sila sa unang meeting namin. Hindi naman ako nabigo. Naging agaw-pansin na naman ako. Hindi dahil sa hitsura ko, kundi kung paano ko i-introduce ang sarili ko. Napa-wow nga ang karamihan nang sabihin kong ‘I love to sing and to play guitar.’

“Sampol! Sampol!’’ chorus na sigaw naman ng mga lalaki kong kaklase.

Ayoko sana, kaya lang pinilit ako ng isa kong professor na matandang dalaga.

“Very nice!’’ turan ng prof ko. “To whom you dedicate that song. Kanya ba?” Tinuro niya pa si Riz.

Tiningnan ko si Riz. Namula siya. “Hala!’’ sambit niya. Nagtakip pa ng mukha, lalo na nang tinukso pa kami ng mga classmates naming.

Ngumiti na lang ako. Narinig kong may nagsabing ‘Alam na.’


Nakakatuwa. Ang sarap maging college student. Nakaka-inspire pa rin…

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...