Gusto kong tumawa nang malakas na malakas
Mga namumuno kasi nitong bansang Pilipinas
Ang mga utak ay katulad ng mga taong ungas.
Una..
Mga guro raw ay bayani, ngunit hinu-Hudas.
Mga benipisyo at suweldo, ginigipit, dinudugas.
Mga karapatan, sinisikil ng kanilang mga batas.
Child Protection Policy, ayos na sana at patas
Ngunit bagong batas, ginagawang panghimagas
Mga gurong sawimpalad, dapat na bang umatras?
Pangalawa..
Kapag madla ay nagkasala, siya ay malas.
Parusa ay agad-agad nating mamamalas.
Baligtad na flag sa damit ng atletang malakas,
Hahatulan, parurusahan.. gaya ni Barrabas.
Ngunit sa mga kurakot, paglilitis ay magastos.
Pag may sala si Pol Itiko, andami pang alingasgas.
Pag may sala si Common Tao, diretso na sa rehas.
Pangatlo..
Kamaliang 'di maamin-amin, kaya walang nalulutas
Mga K-12 na libro, maraming nasilip na butas.
Naganap ang denial sa departamentong pantas
Hindi nila alam, Pilipino'y sa kanila na'y nababanas
Ang pera ng bayan ay kinukurakot, winawaldas.
Tuloy, pondo ng gobyerno, nasasayang lang, alas!
Kung patuloy ang mga ganitong pang-aahas,
Malamang ang Pilipinas, sa mapa ay mapilas,
Magkakawatak-watak, mga Pinoy magsisilayas
At ang bawat isa ay mag-iisip na mag-aklas.
Di ba nakakatawa naman talaga ang Pilipinas?
Sariling bansa at kapwa Pilipino ay hinuhudas.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment