Followers

Thursday, June 11, 2015

Ang Tunay na Guro

Ang tunay na guro ay...
Hindi nananakit, may malasakit.
Hindi namamalo, kundi nagtuturo.
Nagagalit din, 'pag may dahilang matindi.

Ang tunay na guro,
Aralin at disiplina ang una,
Tuwid na daan ang nais niya
Na siyang tahakin ng mga bata.

Ang tunay na guro,
Karunungan ang regalo
Mapatuto ang lahat, kaya kinakaya
Kahit sandamakmak ang estudyante niya.

Ang tunay na guro,
May respeto sa bawat isa,
Kaya hangad niya, ibalik sa kanya
Ang pagpapahalaga na bigay niya.

Ang tunay na guro ay...
Mapagmahal, mapag-aruga, maunawa.
Bawat bata, anak ang turing niya.
Higit sa edukasyon, ang nais niya.


No comments:

Post a Comment

Tatlong Letter Z

Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.)   Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...