Followers

Thursday, June 18, 2015

BlurRed: Reply

"KaU n uli ng RiZ mo so bkiT k p nangu2msta?" ang reply sa akin ni Dindee nang i-text ko siya kanina sa school. Gusto ko lang naman kasing malaman kung ano na ang lagay ng aming relasyon. Ang labo e.

"NgkKmali ka, Dee.."

Hindi na siya nag-reply. Naging palaisipan sa akin ang sagot niya. Paano niyang nasabi na kami na ni Riz?

Naisip ko tuloy na sinisiraan ako ni Jeoffrey. Pero, bigla ko rin namang binawi sa aking isip. Wala siyang kinalaman dito dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya ang tungkol sa amin.

Nahalata tuloy ni Riz ang kalungkutan ko. Napaano raw ako. Ang sabi ko na lang, masakit ang ulo ko. Hindi na rin ako nagparticipate sa klase. Hinayaan ko siyang mag-recite nang mag-recite.

Nang nakauwi ako at nakapagbukas ng FB, saka ko lamang napagtanto na ang in-upload ni Mommy na pictures namin noong birthday niya ang dahilan ng maling akala ni Dindee.

Hindi ko naman masisisi si Mommy. Hindi ko rin pwedeng ipaliwanag sa kanya na mali ang iniisip niya dahil ang picture na nakita niya na magkasama kami ni Riz ay nakakaselos naman talaga. Ngiting-ngiti kami ni Riz doon at halos magkadikit na ang mga pisngi, habang nasa harap namin ang mga handa ni Mommy.

Wala naman talaga kaming relasyon ni Riz, maliban sa pagiging close friends. Oo, natural lang na mag-isip siya ng ganun dahil may nakaraan kami o may naunsiyami kaming pagtitinginan. Pero, sa totoo lang, may pintig na sa puso ko kapag nakikita o nakakasama ko si Riz. Lumalabo na rin ang pagtingin ko kay Dindee, una, dahil sa distansiya namin at pangalawa, dahil sa di maganda niyang ugali.

Gusto kong ikonsulta kay Mommy ang tungkol kay Dindee ngunit hindi ako nagkaroon ng tsansa dahil busyng-busy siya sa mga schoolworks. Sinubsob ko na rin ang ulo ko sa mga assignments namin.

Someday, matatanggap ko na rin na wala na kaming pag-asa ni Dindee. Salamat na lang kung magiging kami pa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...