Followers

Saturday, June 27, 2015

Mga Salitang Pinoy: Astig!

“Mabuhay”,  “Balikbayan”,  “High-blood”,  “Sari-sari store”,  “Estafa” , “Despidida", “Carnap”,  “Halo-halo”, “Utang na loob”, “Comfort room”,  “KKB”,  “Pan de sal” ,  “Suki”,  "Bahala na”, "Presidentiable", "Baon", "Mani-pedi", "Dirty kitchen", "Sinigang",  "Kuya", "Buko juice",  "Kikay", "Barangay",  "Barkada", "Gimmick"..?

Iyan ang mga salitang madalas gamitin ng mga Pinoy na idinagdag sa bagong edisyon ng Oxford English Dictionary.

Astig, di ba?

Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay tayo sapagkat ang mga salitang madalas nating gamitin sa pang-araw-araw nating pakikipag-unayan ay nabigyang-pansin ng nasabing diksyunaryo.

Isa itong patunay na ang ating balarila ay may malaking ambag sa internasyonal na lengguwahe. Ang ating kuktura ay mayroon ding mahalagang papel na ginagampanan upang ang ating mga salita ay makilala sa buong mundo. Hindi na lamang tayo basta nanghihiram ngayon. Tayo na mismo ang pinagmumulan ng salita ng ibang bansa.

Ito ay isang malaking karangalan para sa ating lahat.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...