Followers

Thursday, June 25, 2015

BlurRed: Himig Handog

"Fat, pwede ba kitang makausap?" Sinundan ko siya nang nag-excuse siya sa prof namin. Nag-hand signal siya ng 'wait'.

Palabas na siya sa toilet nang kausapin niya ako. "Busy ako. Next time mo na lang akong yayaing mag-date." Seryoso siya pero ayaw tumingin sa akin. Nagmamadali siyang makabalik sa room.

Gusto kong matawa. Pero, hindi ko ipinahalata. "Bakit mo kinakaibigan si Riz? I mean.. mabuting kaibigan si Riz."

"At ako, hindi?" Huminto siya at humarap na siya sa akin. "Mr. Redondo, kung anuman ang iniisip mo, nagkakamali ka. Besides, hindi mo siya pwedeng diktahan kung sino ang magiging kaibigan niya."

"Wala naman akong iniisip na iba, maliban sa.."

Nagtaas siya ng dalawang kamay at muling tumalikod.

Wala akong nagawa. 

Gayunpaman, naniniwala akong may kabulastugan siyang gagawin. Kaya nang pumasok ako sa room, kinausap ko si Riz. Ang problema, ayaw niyang maniwala sa akin.

Ang tangi ko na lang magagawa ay bantayan siyang maigi. Hindi ko.dapat.inaalis ang paningin ko sa kanya. Mas maigi kung ako lang ang kasama niya. Kaya, bukas ay sisimulan ko na siyang angkinin. Hindi na makakalapit sa kanya si Fatima.

Maiba ako..

Tinatapos ko na ang kino-compose kong kanta. Para ito kay Riz. Ito ang pangatlo kong composition kung sakali.

Gusto ko ngang sumali sa Himig Handog. Kaya lang, baka hindi ko kayanin ang criteria. Saka na lang siguro. Mas importante sa akin na mapasaya ko si Riz dahil sa kanya na yataumiikot ang mundo ko. 

Hindi nga ako makatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Lagi ko siyang naaalala. 

Iba na 'to.

Peg-ebeg. 

Kami naman ni Dindee ay suntok sa buwan na yata ang aming pagkakasundo. Wala na ring init ang puso ko sa kanya. Totoo na ngayon na si Riz ang mahal ko. Dati paratang lamg niya. Ngayon, hindi na ako tatanggi at magsisinungaling. 

Mas masarap mahalin si Riz, sa totoo lang. Walang lalaki ang hindi mahuhulog sa kanya. 

Naisip ko nga, siya na ngayon ang hahandugan ko ng aking himig. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...