Ilang araw din akong nag-abang ng update ni joy sa kanyang wattpad. Sa story niyang 'Nang Inibig Kita', hindi siya nagdagdag, pero sa kanyang book compilation ng mga tula ay nagdagdag siya.
Isang tula doon ang nakapukaw ng atensiyon ko.
Inibig kita noon..
Iniibig pa rin kita ngayon..
Iibigin kita hanggang sa dulo ng panahon.
Walang forever, sabi nila
Ngunit para sa akin..
Ang pag-ibig ko sa'yo ay.. forever.
Nice one! Para gusto ko na ring maniwala sa forever dahil hanggang ngayon, kinababaliwan ko pa rin si Angela. Pareho mga kami ng nararamdaman ng wattpad writer na si joy.
Bukod sa kanyang tula, wala na akong nakitang bagong update sa kanyang wattpad. Kaya, nagpalipas-oras na lang ako sa Facebook.
"Hello, Lover boy!" PM sa akin ni Lanie.
Tinurn-off ko ang chat sa kanya lang, pero, nag-send pa rin siya. "I know you're still online. I just want to know that I miss you. I'm dying to see you."
Hindi ako nag-reply.
Nang gabing iyon, wala akong nakitang clue sa tunay na tauhan ni joy. Naisip kong baka nagkataon lang ang story niya sa mga pangyayari sa buhay ko. Baka nagiging paranoid lang ako dahil sa kagustuhan kong makita ko siyang muli.
Sa sobrang puyat ko, alas-diyes na ako nagising. Aandap-andap pa nga ang mga mata ko nang bumaba ako. Pero, maliwanag na maliwanag kong natanaw mula sa hagdan si Lanie. Kausap niya si Mommy at Daddy.
Binati ako ng mga magulang ko. Binati ko rin sila ng 'Good morning!'. Si Lanie naman ay nag-hello. Parang nang-iinis ang kanyang pagbati. Parang sinasabi niya na narito siya kahit ayaw ko.
"Anak, Lanie, your girlfriend is here." wika ni Mommy.
Muntik na akong matumba nang marinig ko iyon.
"You never told us." sabi naman ni Daddy. Ang tono niya ay tila aprubado na sa kanya si Lanie.
Nakatayo na ako sa harap nila. "Dad, Mom.. we are.." Hindi ko na naituloy. Agad kasing sumingit si Lanie.
"Yes, Tito and Tita, we are supposed to announce it today. Right, Zil?" Binawasan niya ang kaartehan niyang magsalita. Nagprepretend.
"Well, we welcome you. We are happy to see you, Lanie!" My mom kissed her cheek.
"So, let's call for a celebration!" Daddy exclaimed. "Zillion, you take a bath now. We are going to celebrate!"
I looked at Lanie with annoyance.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment