"You know what, Tito? Your son is the sweetest man I knew." Nag-umpisa na naman ai Lanie nang pareho na kaming nakabalik sa table.
Mommy looked and smiled at me.
"Yes, he is. We're glad that she found you, whom I can see refinement and class." ani Daddy.
Gusto kong mag-disagree, but I can't.
"Thank you, Dad! I mean, Tito."
The three of them laughed. Ako naman, pinuno ko ng pagkain ang bibig ko para di ako makapagsalita ng masama.
Hanggang sa i-drop by namin si Lanie sa pinakamalapit na sakayan papunta sa bahay nila, hindi ko siya kinibo. Mabuti nga at hindi na nagpahatid sa kanila.
"Why are you so silent, Anak? Hindi ka naman yata nag-enjoy sa celebration natin." sabi ni Mommy.
Hindi ako kumibo.
"I think, you prefer na kayo lang ni Lanie. Tama ba?" Luminga pa sa akin si Daddy. Naka-red kasi ang traffic lights.
"Dad.. masakit po kasi ang ulo ko.." palusot ko. Ang totoo, hindi ko gustong pag-usapan. Hindi pa nila ngayon malalaman na niloloko sila ni Lanie. Handa kasi akong makipaglaro sa kanya.
"Okay, Zil. Malapit na tayo."
Pumikit na ako at nagkunwaring natutulog. Naririnig ko naman ang mga papuri nila kay Lanie. According to them, sweet siya, classy at mabait. In short, boto sila sa sinungaling at desperada.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nakuha kaagad ni Lanie ang kiliti ng mga magulang ko. Pati gardening, cooking at writing ay ginawa niyang topic para mapansin at magustuhan siya nina Mommy at Daddy.
Nakaidlip na ako nang maalimpungatan ako ng isang text mula kay Lanie. Aniya, "hi, Love! nag-EnjOy kb?"
Gusto kong dedmahin pero di ko napigil ang sarili ko. "Yeah! When will we meet again?"
"Is dat u? Well, i guess u wnt to play game wth mE. Ok. See u on Fri. Bye LOve..Tc. Muuah!"
"K" Napa-smirk ako. Hindi niya ako maiisahan.
No comments:
Post a Comment