Nagkatampuhan talaga sina Mommy at Daddy kahapon. Pero, bago sila natulog ay magkabati na sila. Paano ba namang hindi, e, kinantahan ni Daddy si Mommy. Nagpatulong sa akin. Gitarahan ko daw siya.
"Hay, naku! Kung di ka lang tinulungan ng anak mo, outside the kulambo ka ngayon!" biro ni Mommy, pero kilig na kilig.
Ganyan talaga marahil ang buhay may-asawa. Away-bati. Minsan, nakakatulong naman ang tampuhan. Pinatatatag nito ang samahan o relasyon. Pero, siyempre, dapat ay paminsan-minsan lang.
Kami nga ni Dindee, malabo na yatang magkabati. Hindi ko na nga yata kayang suyuin siya. Andaming beses ko na ein.kasing kinain ang pride ko. Tutal hindi naman kami mag-asawa kaya okay lang na matuldukan na ang relasyon namin. Gayunpaman, umaasa akong isang araw ay magsosorry na siya. Ako naman ay mabilis lang lumambot ang puso. Gusto ko lang na siya naman ang humingi ng tawad. Lagi na lang kasi ako.
Naniniwala akong magiging masaya ang buhay ko kahit wala siya sa buhay ko, lalo ngayon na buo na ang pamilya ko. Idagdag pa ang bagong level ng edukasyon na kailangan kong pag-igihan.
Wala na nga ang pangarap kong maging pari. Hindi na ito ang gusto ko. Makapagturo na ngayon ang hangad ko, gaya ng aking ina. Kaya nga, bukas, unang araw ng pasukan ay sisimulan kong buuin ang pangarap kong ito.
Bukas, tiyak na marami na naman akong magiging karanasan at kakilala. Sana lang ay maging mapayapa ang buhay ko. Ayoko na muling maranasan ang mga sakit, pambubugbog o aksidente. Sana ay puro masasaya at tagumpay ang aking tamuhin.
"Red, excited na ako bukas.." text ni Riz.
Hindi ko lang siya nareplyan dahil wala akong load. Ang totoo, pareho kaming excited.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment