Followers

Sunday, June 14, 2015

BlurRed: Suhol

“Ang performances mo ngayong gabi ay parang pulburon na kulang sa gatas.” pahayag ni Boss Rey nang ipatawag niya ako kay Jeoffrey. Kaming tatlo lang ang nasa opisina pero parang ipinahiya niya ako sa harap ng isandaang tao.

“Sorry po.” Hindi na lang ako nag-explain. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko nang malaman niya na may pinagdadaanan akong problema sa pag-ibig. Alam ko naman kasing hindi siya makikinig o makaka-relate.

“Sayang naman itong sanlibong ibabayad ko sa’yo.” Inamoy-amoy niya pa ang perang hawak.

“Bawasan niyo po kung gusto niyo. Pwede naman po, e.” Nauyam ako sa tinuran niya.

Nagtinginan sila ni Jeoffrey.

“Pwede rin namang libre na. Walang problema.” Humanda na ako para tumayo.

Ang bilis na lumapit sa akin si Jeoffrey. Inakbayan niya ako. Si Boss Rey naman ay lumapit na sa akin. Nang, makalapit na siya sa akin, lumayo na ang kaibigan ko. Ang employer naman namin ang umakbay sa akin. Mariin pa niyang pinisil ang balikat ko. Umiwas ako.

“Sige, Jeoff! Mauna na ako sa’yo.“ Mabilis kong tinunton ang pinto at walang lingon-likod akong lumabas sa bar. Hindi ko na pinakinggan ang mga tawag nila.

Nakakasama ng loob. Madali lang naman akong kausap.

Kanina, dumating si Jeoffrey. Andaming dalang pagkain. Alam ko namang suhol ang mga iyon mula sa kanyang Fafa.

“Hindi niya ako madadala sa suhol.’’ Galit pa rin ako.

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Jeoffrey na iwanan niya lahat ang mga pagkain at pera. Siguro dahil ayokong isipin nina Mommy at Daddy na may LQ kami ni Jeoffrey. Mapagkamalan pa akong bakla. Sinabi ko na lang na pinaorder ko kay Jeoffrey dahil nakatanggap ako ng tip kagabi sa mga customer.

“Andami naman nito, anak!” sabi ni Mommy.

“Sabi ko kasi, bibigyan ko si Jeoffrey, ayaw naman niyang dalhin.”

Ang hirap magsinungaling. Hindi ako sanay. Pero, si Jeoffrey.. alam kong may inililihim sa akin. Marami siyang itinatago..





No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...