Followers

Monday, June 8, 2015

Kapag Guro ang Inapi

Tinatawagan ang lahat ng mga mambabatas! Gumawa naman kayo ng mga batas na patas.
Hindi ang ikakabuti lang ng ilang mamamayan.
Dapat lahat makinabang, mahirap o mayaman.
Ang mga guro'y di nambubully ng estudyante
Kami nga ang madalas biktima nilang arogante.
Ang batas na magpaparusa sa mga kaguruan
Ay tunay na nakakalungkot at nakakasuklam.
Nasaan ang inyong mga simpatya at puso?
Sa amin, wala kayong mga habag at respeto.
Sa amin, ang lahat ng ginhawa ay pinagkakait
Ang trabaho ay kaybigat, ang sahod ay kayliit,
Idagdag pa ang batas na di ninyo tinimbang.
Di ba sa eleksiyon, malaki ng aming pakinabang?
Ngayon, mga parusa sa amin ay naghihintay.
Pag natuloy ang bill na 'yan, kami'y tila patay,
Wala nang karapatan, walang kinabukasan.
Mabuti pa nga ang mga politikong kawatan,
Yaman at kaban ng bayan, kanyang nililimas
Ngunit di pa rin nalilipol, nadadaan sa dahas.
Kaming mga guro pa, inyong pinagtitripan,
Samantalang ang nais lang nami'y kabutihan.
Kung ang batas na iyan ay inyong ipapasa,
Ibilang na ninyo kaming pasaway sa masa.
Kalidad na edukasyon, wag na sa amin iasa.
Ang silya-elektrika sa ami'y ipataw niyo pa.
Garrote vil kaya nang maligayahan kayo
Nang ang mga guro ay malipol na ninyo!
Tapos, isunod na ninyo ang inyong sarili
Pagkat ang tulad niyo, walang mga silbi!
Kapag ang mga guro'y inyong pinarusahan,
Matitikman niyo ang batas ng api, totoo 'yan!
Pangako sa inyong lahat na nasa serbisyo,
Kami ay di papayag na karapata'y maabuso.



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...