Followers

Tuesday, June 16, 2015

BlurRed: Smell Something Fishy

Hindi namin pinag-usapan ni Riz kanina sa school ang tungkol sa ‘na-miss’ issue. Naging aktibo kasi kami sa recitation sa bawat subject. Pinagkasunduan kasi namin noon pa na magiging tandem kami sa pagpapakitang-gilas sa mga professor. As honor students noong high school, kailangan ma-maintain namin ang grade namin sa college.

Kapag nag-rerecite si Riz, natutuwa ako. Natititigan ko kasi siya ng maigi. Hindi niya lang ako tinitingnan dahil nako-conscious siya. Pero, pag ako ang nagre-recite, siya pa rin ang nako-conscious kasi ako ang tumitingin sa kanya.

Ako rin ang unang pumapalakpak kapag natatapos na siyang mag-explain o mag-add ng information tungkol sa topic.

“Ang taray! Ang lakas ng audience impact.” biro ng bakla naming kaklase. Natuwa tuloy pati ang prof namin.

Kinurot naman ako ng pinong-pino ni Riz nang maupo na siya sa tabi ko. Ansakit! Hindi lang ako nagpahalata. Pero, nagustuhan ko ang pagdampi ng kanya daliri sa katawan ko, kahit may nakaharang na polo. Kilig yata ang tawag doon. Hehe.

Birthday ngayon ni Mommy. Naisipan kong yayain si Riz sa bahay dahil mayroon naman daw konting mapagsasaluhan. Hindi naman siya humindi. Sana lang daw ay sinabi ko kagabi para nakabili siya ng regalo. Nalimutan ko, kako.

“Hello, Riz!” masayang bati ni Mommy kay Riz.

“Hello po, Tita! Happy birthday po!” Nag-kiss pa siya kay Mommy. Binati din niya si Daddy.

“Thank you! Mabuti at nakasama ka. O, Red, upo na kayo dito. Enjoy your meal.”

“Opo! Ako na pong bahala.”

First time ni Riz na maging bisita sa birthday ni Mommy. Nahihiya talaga siya kaya ginawa ko ang lahat para maging kampante siya. Naggitara ako para kay Mommy. Kahit paano ay napangiti ko siya.

Nang kaming pamilya na lang. Kinantiyawan ako nina Mommy at Daddy. Nakakaamoy daw sila ng something fishy. Paano raw si Dindee?

“Malabo na po kaming magkabalikan…” Nalungkot ako. Naalala ko na naman kasi.

“Hayaan mo na, anak. Ang ganda kaya ni Riz ngayon!’’ biro ni Daddy.

Um-agree naman si Mommy. No comment lang ako.






No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...