Followers

Saturday, June 6, 2015

BlurRed: Escalator

Gusto ko sanang puntahan si Jeoffrey sa bahay nila para makausap ko tungkol sa identity crisis niya, kaya lang nagyaya naman si Mommy na mag-mall. Si Daddy nga ay hindi na rin nakadalo sa meet-up nilang mga bonsai hobbyists dahil nayaya din ni Mommy.

“Kailangan nating mag-family date kasi lahat tayo ay magiging busy na next week.” Paliwanag ni Momy habang nila-lock ni Daddy ang pinto.

“Wala naman pong may nagrereklamo, Mommy, e.” pabiro kong sabi.

“Meron kaya. Tingnan mo ang isa diyan.” Nginuso niya si Daddy.

Nagtawanan kami.

“Uy, hindi, ah! Mas importate ang pamilya kesa sa bonsai. Tara na nga!” Inakbayan na niya kami ni Mommy.

Ang saya namin. Ang saya talaga kapag buo ang pamilya, lalo na kapag walang problema. Napansin ko ngang hindi na naming napag-usapan si Dindee habang nagla-lunch kami. Ang usapan ay nasentro lang sa aming tatlo.

Siyempre, hindi ko ring pinayagang pag-usapan namin si Jeoffrey. Maselan ang problema ng kaibigan ko. Kailangan ko itong ilihim sa kanila. Ako mismo ang tutulong sa kanya.

Masayang-masaya at pasalamat ng pasalamat si Mommy sa amin ni Daddy dahil sa pagsama namin. Hindi ko ma-describe ang kaligayahang nagawa nito sa kanya. Kaya lang, bigla itong naglaho nang makasalubong naming sa escalator si Mam Dina. Nagkabiglaan kami. Walang lumabas na salita sa kanilang tatlo. Ako lang ang nakabati sa kanya. Ni hindi nga niya nasagot ang pagbati ko. Agad na namang nagbago ang ekpresyon ni Mommy lalo na’t nilingon pa ni Daddy si Mam.


Tahimik kaming umuwi. Tahimik din ang bahay maghapon. Haay, ang coincidence nga naman! Akala ko, ayos na. Nasira pa..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...