Followers

Thursday, June 11, 2015

Hijo de Puta: Ciento dose

"Sorry, Kuya."

"Ayos lang, labhan ko na lang." sagot ko. 

"Teka! Wala ka na bang damit?"

Tumango muna ako. "Last na 'to."

"Ate, pakikuhaan naman si Kuya Hector ng damit ko sa cabinet." pakiusap niya sa kapatid, na kasalukuyang naghuhugas ng mga tasa.

Walang imik na tumalima si Lianne. Sumunod ako sa kanya sa kuwarto ni Leonardo. Doon ay pinagmasdan ko ang kanyang balikat.. likod, sa madaling sabi, ang katawan. Suwabe. Hindi ko iisiping nagalaw na siya ng mga customer niya dati sa bar. 

Naging malikot na naman ang utak ko. Pati nga ang alaga ko ay naglikot din.

"Hoy, lalaki! Ang tindi mo makatitig, ah! Ramdam ko kahit nakatalikod ako. Maniac! O, itong damit mo. Magbihis ka na!" Isinalaksak pa niya sa kanang dibdib ko, kung saan walang dugo ng isda. 

Natawa ako. "Ang sungit naman ng love ko." Halos pabulong kung sambit. "Salamat!"

"Anong sabi mo, Mr. Hector Hardlong?" Bumalik siya para sa tanong niya.

"Salamat! Salamat sa pagmamahal.. este, dito!" Ngumiti pa ako. 

"Patayin na kita, e!" Namumula siyang lumabas ng kuwarto.

Lalo lang niya akong pinasasabik. Gustong-gusto ko kung paano siya mapikon sa akin. Gusto-gusto ko ang paraan ng kanyang pagtataray. Parang ang sarap niyang mang-romansa. Parang ang tindi niyang kalaro sa kama.

Pagkabihis ko bumalik ako sa kusina. Wala na doon si Leonardo. Si Lianne naman ay patapos na sa pagsasabon.

"Tulungan na kita." alok ko.

"Wag na. Kung mang-aasar ka lang, pwede lubayan mo ako?"

"Hindi ako nang-aasar. Bakit ba ang init ng ulo mo?" Lumapit pa ako sa kanya at kinuha ko ang ibang tasa. 

"Huwag na please.. Kaya ko 'to. Magsibak ka na lang ng kahoy sa labas."

Kahit di ko alam gawin 'yun, handa kong matutunan. "Sige!" 

Lalabas na sana ako nang tumawa siya. "Baliw! Walang ganun dito." Tawa pa rin siya ng tawa.

Nilapitan ko siya at hinawi ang kanyang balakang palapit sa akin. "Ikaw ang nang-aasar, e!" Idinikit ko sa kanya ang harapan ko.

"Bastos!" Hinampas niya ang braso ko. Nagtalsikan ang mga bula. "Bitawan mo ako."

Hindi ko kaagad siya binitawan. Inilapit ko pa nga ang mukha ko sa mukha niya. Panay ang hulagpos niya pero ako, ramdam ko ang kepyas niya na parang nakatawa sa aking sawa. 

Saka ko lamang siya pinakawalan nang bumulaga sa amin si Leonardo.

"Sweet niyo naman, ate, kuya." biro niya pa.


Napahiya si Lianne. Ako, hindi. Ang sarap nga e. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...