Followers

Friday, June 26, 2015

BlurRed: Priority

"Nabasa mo ba sa Facebook ang tungkol sa Up grad na may pinakamataas na average?" halos pabulong na tanong ni Riz habang may reporter sa unahan. 

Nasa hulihan kami ng klase kaya di naman kami nakakaagaw ng pansin.

"Oo. Si Tiffany Uy? Ang galing niya, no?"

"Sinabi mo pa. Nakakabilib. Kaya mo ba ang ganun?"

"Hindi." Umiling-iling pa ako.

"Bakit naman? Nagawa mo nga last year. Why not in college?" 

Hindi ko agad nasagot ang tanong niya kasi tinawag ako ng reporter para magbigay ng additional information.

"Ikaw? Kaya mo ba?" balik na tanong ko kay Riz. 

"Kaya sana.."

"Bakit may sana?" 

"Iba ang priority ko ngayon. Tama na sa akin ang makatapos at.." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya. Inilayo pa niya ang tingin niya mula sa akin.

"Ano ang priority mo ngayon?" Nais kong malaman. Wala akong idea. 

"Red, hindi naman talaga pagiging teacher ang gusto ko. Hindi ito ang pangarap ko. Pero, dahil..dahil.. kasama kita. Alam mo 'yun? Magiging matatag ako." Nakinig siya kunwari sa reporter.

Na-gets ko kaagad ang kanyang pahiwatig.

Dahil sa akin kaya siya kumuha ng Education. Ako ang dahilan kung bakit nagsasakripisyo siya sa kursong hindi niya pinangarap. 

"Masaya ka ba?" tanong ko, kasabay ng pagdampi ko sa kanyang palad.

Tiningnan niya ang mga kamay namin na magkapatong.

"Red.. hindi ako basta lang masaya." Tumingin siya sa mga mata ko. "Sobrang saya ko."

"Talaga?" 

Tumango siya. 

Gusto ko siyang yakapin at hagkan. Pero, hindi pwede. Kaya, pinisil ko na lang ang kanyang kamay bago ko ito binawi.. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...