Huwag mong husgahan ang iyong kapwa,
Pagkat hindi mo kilala ang kanyang kaluluwa.
Huwag mong pagbasehan iyong paniniwala.
Maaari itong magkamali o kaya'y sumala.
Kaya nga'y siya'y iyong lubos na kilalanin
Siya ay iyong dinggin, damhin at unawain.
Isipin mo na lang, baka mahusgahan ka rin.
Huwag mong kaligtaan ang batas ng salamin.
No comments:
Post a Comment