Followers

Wednesday, June 3, 2015

BlurRed: Dumbbells

Ang bilis ko talagang mag-isip. Kahit nalulungkot ako sa sitwasyon namin ni Dindee, naisip ko pa ring subukan ang pagkalalaki ni Jeoffrey. Kinontak ko si Roma. Alam ko kasing expert siyang umamoy. Mabuti at game siya.

Ang bilis din naming nagplano. Kaya lang, may hinihinging kapalit. Pagbibigyan ko na raw ba siya pagkatapos? Hindi ang sagot ko. Pera na lang, dagdag ko pa. Di naman daw siya mukhang pera. Pero, dahil willing siyang gawin ang plano, kahit meryenda na lang daw o kaya pag nagkaroon siya ng kaklaseng gwapo sa PNU, ipakilala ko raw sa kanya.

Loko talaga! Ginawa pa akong bugaw.

Umuo na lang ako para matapos na.

To make the story short, pinapunta ko si Jeoffrey sa bahay, since mag-isa lang naman ako.

Ang set-up ay ganito: Haharutin ni Roma si Jeoffrey habang ako ay nakahubad-baro at nagda-dumbbells.

Nangyari ang inaasahan namin ni Roma. Hindi pumatol si Jeoffrey sa kanya dahil sa akin nakatingin ang kaibigan ko.

Confirmed!, sabi nga.

Hindi kami nagpahalata ni Roma. Nagkindatan lang kami.

"Iwan ko muna kayo, Bro, ni Roma. Maliligo lang ako." paalam ko, habang pinupunasan ko ang mga pawis ko.

"Wag ka munang maliligo.." Tumayo siya at kinuha niya ang bimpo sa akin. "Mapapasma ka." Pinunasan niya ang likod ko habang hawak ang isang kong braso.

"Ganun ba 'yun?" Hindi pa siya nakakasagot at humarap na ako sa kanya. Itinuro ko pa ang pawis ko sa aking dibdib at abs.

Shit! Pinunasan niya talaga! Put*! Hindi ako nagkamali.

"Oo! Ganun 'yun." sagot niya.

Anong nangyayari sa mundo? Bakit nagiging bakla ang mga lalaki? Bakit ang lapit ko sa mga bakla?

Gayunpaman, hindi ako galit sa kanila. Nauunawaan ko sila. Kaya nga aalamin ko kung bakit naging ganun si Jeoffrey. Alam kong may dahilan.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...