"Hello, Love!? Tuloy ba tayo mam'ya?" I pretend na may kausap ako sa mobile phone ko habang papasok ako sa dining room kung saan ay naghihintay na ang mga nakangiti kong magulang. "Okay, sige! See you there!... You, too, take care! I love you! " Then, I greeted them.
"Take your seat, 'nak." Mom said.
Hindi pa ako nakakasubo ng pagkain nang ipagpaalam ko ang date namin ng pretender kong girl friend.
"No problem, Zil. Enjoy!" My dad was so delighted to it. While, my mother asked me to kiss the girl for her. Muntik na akong matawa. Hindi ko nga magawang mahalin, hahalikan ko pa.
After class, kinatagpo ko siya sa isang fine dining restaurant. Nauna siyang dumating.
"Hello, my love!" pasweet niyang bati.
I tried to smile but I did not sit.
"Good evening, Sir, Mam! Here' s our menu." Inabot ng waiter sa akin ang libro.
"No! I'm sorry. We're looking for a Filipino dishes." Instead, inabot ko ang kamay ni Lanie, na obviously ay nagtataka sa ginawa ko.
"Okay, Sir, Mam. Come again! Thank you!" narinig ko pang sinabi ng waiter.
"Saan tayo, my love?" tanong ni Lanie habang nakakapit sa braso ko.
"Just hold on. Akong bahala sa'yo." I grinned. Hindi niya iyon nakita. Alam kong na-disappoint siya sa paglabas namin sa resto na 'yun.
Wala na kaming kibuan hanggang makalabas kami ng mall.
"Ayun may fishball! Dali, kain tayo!" Binitawan ko siya at hinayaang tumawid ng kalsada sa sarili niyang pagsisikap. Tapos ay agad akong tumusok ng para sa kanya.
Nakasimagot siya nangblumapit sa akin. Ako naman ay abot-taingang ngumiti habang iniaabot sa kanya ang tuhog ng fishball. "Anong gusto mo, hot or sweet?"
Masakit ang tingin niya. Parang gusto niyang magtaray. "Sweet." Tapos, bumulong-bulong siya. Aniya, ang sweet ko raw.
Hindi ako tumawa. Ipinakita ko na lang sa kanya na sarap na sarap ako sa kinakain ko. Salamat kay Angela dahil tinuruan niya akong kumain ng street food.
Inamoy-amoy niya muna ang fishballs saka nandidiring kumagat ng bahagya sa isa nito. Antagal niya itong nginuya bago uli niya kinagat ang kalahati.
"Ang sarap, no? Alam mo bang si Angela ang nagturo sa akin na kumain nito?" Nagtuhog pa ako. That time, kikiam naman.
Nakita kong niluwa ni Lanie ang isa. Natatawa naman ang tindero.
"Ito pa. Pinagtutuhog na kita. Mamaya, kakain naman tayo ng balot. Dalawa nga pong gulaman." sabi ko sa tinderong nakangiti dahil sa kaartehan ng kasama ko.
Halos maiyak sa Lanie. Nakakatawa ang hitsura niya.
Ang tibay niya. Talagang pinagtiyagaan niyang ubusin ang binili ko para sa kanya.
Ang manhid niya. Hindi niya alam na pinahihirapan ko lang siya. Gusto kong siya mismo ang bumitaw sa pagmamahal niya sa akin pagkatapos nito.
No comments:
Post a Comment