Followers

Friday, June 12, 2015

Hijo de Puta: Ciento trese

Tatawa-tawa si Leonardo nang sundan ko siya sa labas. Nag-iihaw siya ng bangus. 

"Saan na ang chicks mo?" banat ko. Cool na cool lang ako. Parang wala lang nangyari. 

"Umuwi na. Babalik 'yun."

"Ah." sagot ko. Tapos, nagtanong ako ng mga basic information tungkol sa girl friend niya, saka ko binanatan. "Nagising ako kanina. Umiiyak ba siya?" Ngumiti ako ng makahulugan. 

Napatingin naman ang bayaw ko. Tapos, tumawa. "Hindi. Alam mo na 'yun, Kuya. Ikaw pa. Chickboy ka rin, e!"

"Hindi ah. Stick-to-one 'to." 

"Hindi halata, Kuya. Pero, maiba ako.. Narinig mo ba kami? 'Sensiya na. Taglibog, e."

"Hindi lang narinig.. Nakita ko pa. Kaya wala ka ng maililihim sa akin."

"Nakakahiya tuloy sa'yo.." 

"Ayos lang. Wag problema sa akin."

Natigil ang kuwentuhan namin ni Bayaw nang dumating si Paolo. Nagulat nga siya nang makita ako. 

"Kelan ka pa dito?" tanong niya, pero di nakatingin sa akin kasi lumalantak na ng inihaw.

"Kahapon pa." 

Hindi na siya nagtanong uli kasi si Lianne na ang kausap niya. Pero, nang naabutan niya ako sa kuwarto ni Leonardo, kinausap niya uli ako. 

"Dinaan mo na naman sa karisma at datung mo. Hay naku! Kung ako si Lianne..." Talagang binitin niya para magreact ako.

"Ano?"

Ngumiti siya at bahagyang nilabas ang dila. "Kung ako si Lianne.. Kikiligin ako. Hay, Diyos ko. Ang hirap magpigil, noh. Hindi ko isasakripisyo ang nararamdaman koh." 

Natawa ako. 

"Ano 'yang nasa dibdib mo?" 

Tiningnan ko. "Wala?"

"Anong wala? Dugo yata e."

Nagtataka ako. Wala naman akong nakitang dugo. Isa pa kapapalit ko lang. Pinagpilitan niyang may nakikita siyang dugo sa t-shirt ko. Kaya hinubad ko ito at tsinek. Wala naman. 

"E, di, wala! Sareeh!" 

Kinabahan tuloy akong bigla. Ikatlong beses na kung sakali.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...