Followers

Tuesday, June 2, 2015

BlurRed: LQ

Kahit natatawa ako kapag naalala ko si Jeoffrey, hindi pa rin ako makatakas sa bagabag na dala ng hindi namin pagkakaunawaan ni Dindee. Hindi ko yata kayang tanggapin na magkakahiwalay kami ng ganun-ganun lang. Kung si Riz man ang dahilan kailangan ko siyang iwasan.

Kaso, text pa rin siya ng text. Kanina nga ay nagtext na naman siya. Excited daw siya sa unang araw ng klase namin. Hindi lang ako masyadong nag-comment. Sabi ko, parang ayaw ko pang pumasok. Bitin ako sa bakasyon. Parang gusto kong umuwi sa Aklan.

Dahil nabanggit ko ang Aklan, tinanong niya kung kumusta kami ni Dindee. Hindi ko kaagad nasagot. Pero matalino talaga si Riz. Alam niya na may LQ kami. Kahit tinanggi ko pa, hindi niya ako pinaniwalaan.

Hindi rin nagtagal, kinuwento ko na sa kanya. Sinabi kong mahal ko pa rin siya. At nang tinanong niya ako kung ano ang dahilan, sinabi kong siya.

"Ako? Bakit?" May smileys pa ang text niya.

Nang di na ako nag-reply ay tumawag siya.

"Natutuwa at natatawa ako." aniya.

"Bakit naman?"

"Ang haba kasi ng hair ko." Natawa kami pareho.

Pagkatapos ng biruan, napunta sa seryosong usapan. Huwag daw akong malulungkot kung magkahiwalay kami dahil siguro siyang may nagmamahal sa akin ng totoo.

"Ang labo, Riz. Ako na lang lagi ang nagbibigay, umuunawa at nanunuyo. Mali ba ako?"

"Hindi ka mali. Siya ang mali. Ang sarap mong magmahal, Red. Suwerte nag babaeng minamahal mo. Kaya lang, mali ang babaeng minahal mo.."

Hindi na ako nakaimik. Ilang segundong natahimik ang linya hanggang magpaalam na siya.

Tama naman siya. Bakit nga ba pinipilit kong mahalin ang hindi marunong umunawa?

Ang pag-ibig nga daw ay two-way. Ang nangyayari, isa lang ang nagmamahal. Ako.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...