Is this jealousy? I can't understand myself. I know, I have no right.. But, why I am feeling this?
Iyan ang status update ni Riz sa Facebook kagabi. Alam kong ito ang tungkol sa reaksiyon niya kahapon nang batiin ako ni Fatima. Nagseselos pala talaga siya. Ang tindi niya. Hindi pa rin siya nagbabago.
Paggising ko kanina, binati ko siya through text. Isang oras ang lumipas bago siya nag-reply. Sabi niya, Happy Independence Day, Red! Kapansin-pansin ang sad emoticon doon.
Pinapalaya na niya ako? Natawa tuloy ako.
"mY lakd k B now?" Iniba ko ang mood.
"Wala. PrO gs2 q snAng kumain ng buRger."
"sgRDo k?" Ang alam ko kasi parang natrauma siya sa burger kasi iyon ang dahilan o pinagmulan kung bakit siya napagsamantalahan.
Dahil gusto kong mawala ang tampo niya sa akin, ako na mismo ang nagsabing sasamahan ko siya. At sa madaling sabi, narating namin ang burger stand kung saan kami kumain noon. Umupo din kami sa gutter habang kumakain.
"Hindi mo pa nakakagat ang burger mo." Napansin kong hawak niya lang. "Hindi mo pa ba kaya?"
Yumuko siya. "Red, hanggang ngayon.. naalala ko pa rin ang kahayupan sa akin ng hayop na 'yun." Gumaralgal ang boses niya at yumugyog ang kamay.
"Riz.. uwi na tayo." Tumayo na ako at inilahad ko ang palad ko para tulungan siyang tumayo.
"No. Gusto kong mag-stay pa." Huminga siya ng malalim. Tiningnan niya ang burger at kumagat ng isa.
Umupo uli ako. "Alam kong matatag ka, Riz. Kaya mo 'yan." Tinapik-tapik ko ang kanyang likod.
"Tulungan mo ako, Red. Tulungan mo akong tanggapin bangungot na ito.." Sumandal siya sa balikat ko.
"Oo.. tutulungan kita."
Hindi agad kami umuwi. Wala kaming salitaan, pero, nagpapakiramdaman kami. Matagal siyang nakasandal sa balikat ko, habang inuubos niya ang burger.
"Salamat, ha?" Humarap na siya sa akin. "Kahit paano ay naging matatag akong bumalik dito."
"Walang anuman. Masaya akong nakakatulong."
"Halika." Hinila niya ako.
Sa may kanto, tumigil kami. Wala akong clue kung ano ang gagawin namin doon pero nang humagulhol siya, saka ko lang naunawaan.
Doon siya naabutan ng mga lalaking kinasabwat ni Leandro upang maisakay siya sa kanilang sasakyan.
Hinayaan ko siyang umiyak. Nang mawalan na siya ng iluluha, siya na mismo ang nagyayang umuwi. Hinatid ko siya sa kanilang bahay. Natuwa nga ang mga magulang niya nang makita ako.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment