Followers

Wednesday, June 10, 2015

Ang Bill Against sa mga Guro

Ang galing-galing naman talaga ninyo!

Ang noblest profession ay tinatarantado.

Parusa, pasakit, paghihigpit… Ano pa po?

Parusang-bitay o kamatayan na lang siguro

Pag nanakit ng estudyante, ang ibigay ninyo

Upang masiyahan kayo at makontento.

 

Ang gara ng bill against sa mga guro!

Nakasakit lang minsan, ayan na si Berdugo.

Alam niyo bang ang hirap-hirap magturo?

Gusto ng mga guro, bawat bata ay matuto.

Ngunit sobrang pasaway pa ang mga ito.

Nabigla si Ma’am o Sir kaya siya ay napalo.

Ang intensiyon talaga, sila ay mapatuto.

 

Ang tindi ng galit ninyo sa mga guro!

Bakit? Biktima ka rin ba ng pamamalo?

Kaya ngayon, paghihiganti ang nasa puso.

Di man lang kayo lumingon, sa mga turo

at pagpupunyagi noon ng inyong mga guro.

Sila ang nagpalaki sa inyong mga ulo—

(Parehong pananalitang literal o idyomatiko)

Lumaki na nga marahil ang mga ulo ninyo.

Kabayanihan ng mga guro, balewala sa inyo.

Tsk-tsk! Nasisiraan na ba kayo ng bait at ulo?

 

Ang husay ninyong gumawa ng batas, kuno!

Pero ang mga buwaya't kawatan sa gobyerno,

Paldo-paldo pa rin at laging protektado.

Unahin niyo kaya silang mga ganid na politiko,

Bago ang mga tunay na bayani ng mundo.

Pag-isipan niyo dahil kayo ay matatalino.

Gumawa kayo ng batas na patas at totoo.

Huwag ang nagpapapogi at nagpapabango.

Lilinawin ko po...

Ang mga guro ay hindi abusado.

Ang mga maestra't maestro, sila ang inaabuso.

Bata ngayon, kabaligtaran na ng unang siglo.

Huwag kayong magtaka bakit may napapalo.

Corporal punishment noon, ibalik ninyo!

Nang ang mga guro naman ang llamado.

 

Kapag naipatupad ang bill against sa mga guro

Wala ng maniniwala sa inyong mga estilo.

Kaya magbalot-balot na kayo, lumayas sa senado.

Ang batas niyo kasi ay parang trapo.

Ang gara! Parang hindi gawa ng isang tao.

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...