Hindi ko na kinaya ang pagkamiss ko kay Dindee.
Naalala ko siya habang maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Nakikita ko siya doon. Pati nga ang pabango niya ay naaamoy ko.
Tinext ko siya. "Hello, Dindee! Miss na kita."
Muli kong inalala ang mga araw na masaya kami sa kuwarto, habang naghihintay ng reply niya. Kung paano niya ako kulitin. Kung paano niya ako lambingin. Nakamiss..
Isang oras ang lumipas. Ni 'Hu u?", wala!
Nag-load ako ng pantawag. Agad ko siyang kinontak.
Out of reach..
Nakakalungkot.
Nagpalit na siguro ng number.
"musta, Jeoff? musta kyA c Dndee? Ngttxt p b kau?"
Isa din si Jeff. Hindi rin nag-reply. Tapos, antagal pa niyang sagutin ang tawag ko.
"Wala na akong komunikasyon sa kanya." sagot niya. "..Oo. Siguro nga nagpalit na ng number."
"Sige, salamat! Usap na lang tayo mamaya sa bar. Papasok na ako?"
"Ayos! Balik gig ka na. Matutuwa niyan si Boss."
Nagduda ako sa sinabi niya. Parang may ibang kahulugan. "Bakit naman?"
"Ah.. e, siyempre, business."
Bahala nga siya. Bahala na rin si Dindee. Wala na akong magagawa kung ayaw niya na ako.
Pero, sa totoo lang, apektado ang pagpapractice ko. Nalulungkot ako sa nangyari sa amin. Hindi ko kayang tanggapin na balewala lahat ang mga pinagsamahan namin ng ilang buwan.
Si Karryle ang last resort ko. Tinext ko siya. Bagamat, di sila madalas magkita, nagkakatext daw sila. Nagpalit na nga daw ng numero. Ibinigay niya nga sa akin.
Tapos, nauwi din kay Jeoffrey ang usapan naming magpinsan. Sabi niya, di na raw siya tinitext. Kahit alam ko ang dahilan ng panlalamig nang kaibigan ko sa kanya, hindi ko sinabi. Bahala na sila. May sarili akong problema.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment