Followers

Wednesday, June 10, 2015

Teachers Blues

Kami ang nakikita

Kami ang nasisisi

Kami ang laging may kasalanan


Paggising sa umaga,

Di pa nag-almusal,

Papasok na sa eskwela.


Kapag bata'y sinaktan

Ime-media agad 'yan.

'Di na alam ang gagawin.


Kapag oras ng uwian,

Kami'y magpapaiwan.

Andami pa kasing gagawin.


Kami'y sunud-sunuran.

Ayaw man lang pakinggan

Nasasaktan ang damdamin.


Kami'y walang kalayaan.

Sunod sa utos lamang.


Paggaling sa eskwela

Trabaho naman sa bahay.

Wala na kaming pahinga.


Doon kami ay Nanay.

Doon kami ay Tatay.

Sa paaralan kami ay tsimay.


Tawag sa amin ay maestra

O di kaya ay maestro.

Pero walang nagpapahalaga.


At 'pag bata ay naghiyawan

Aming pagagalitan.

Kami pa ang may kasalanan.


Kami ang nakikita.

Kami ang nasisisi.

Kami ang laging may kasalanan.



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...