"You look great today." puri ko kay Riz, nang patungo kami sa unang klase namin. Hindi na talaga ako nakatiis at nakontento sa pasulyap-sulyap sa kanya.
Ngumiti lamang siya.
"Ang suwerte ng magiging boyfriend mo." dagdag ko pa.
"Oo. Pero ako, wala na yatang darating na suwerte sa buhay ko." Nahapis ang mukha niya. Naramdaman ko.
"Huwag mong sabihin 'yan. May taong para sa'yo."
"Sana nga, Red.."
Narating na namin ang room kaya hindi na namin nadugtungan ang aming usapan.
Natuwa ako sa huli niyang tinuran. Kahit paano pala ay handa siyang maghintay ng lalaking para sa kanya. Handa pala siyang magmahal uli.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Siya na ang laging laman ng puso at isip ko. Kahit nga magkatabi kami sa upuan, siya pa rin ang nasa isip ko.
Blurred. Oo. Lumabo na ang pag-ibig ko kay Dindee. Naaninag ko naman ang maganda naming pagtitinginan ni Riz.
Handa akong mahalin siya.. Gaya dati.
"Uy, tinatawag ka ni Sir!" Nagulat ako sa hampas niya sa braso ko.
"Pardon, Sir." Agad akong tumayo para pakinggan ang tanong ng prof. Mabuti na lang at mabait hindi ako pinagalitan at siguro dahil nasagot ko naman ang tanong.
Tawa ng tawa si Riz.
"Sino ba kasi ang iniisip mo?" pabulong niyang tanong.
"Ikaw." seryoso kong sagot. Pabulong din.
Nagkatinginan kami at agad naman naming binawi. Isang anghel ang dumaan, pagkatapos
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment