Followers

Tuesday, June 23, 2015

BlurRed: Insecurity


"Ang arte naman ng kaibigan mo! Lagi na lang nakadikit sa 'yo. E, hindi naman pala kayo.'' Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa katawan ni Fatima at nagdadaldal nang makasalubong ako sa corridor. 
Hindi agad ako naka-react. Luminga-linga muna ako baka may ibang nakakarinig. Wala naman. "Hayaan mo siya, classmate. Gusto ko naman ang arte niya. Kaya nga, enjoy akong kasama siya."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi kayo bagay!" Umirap pa siya sa akin.
"Okay lang," bulong ko. Sigurado akong hindi na niya narinig iyon. Tanging tunog ng kanyang takong ang narinig sa pasilyo. Gumiwang-giwang pa ang kanyang malalapad na balakang.
Natawa ako sa inakto ni Fatima. Insecurity ang tawag doon. Hindi naman siya papasa sa akin. Bukod sa mahina na ang ulo niya, obvious pa ang paghanga niya sa akin. Sinisira niya pa si Riz. 
"Saan ka ba nagsusuot? Kanina pa ako nagte-text sa 'yo?" Nagulat ako kay Riz. Nasa likod ko na pala.
"Ha? Sorry. ‘Di ko narinig. Saan tayo ngayon?"
Napaaga kami classroom, kaya nakapagkuwentuhan pa kami. 
"Friends na pala kami ni Fatima sa FB. Kayo?" tanong ni Riz.
"Hindi ko ina-accept. Dapat ‘di mo inaaccept." Worried ako. Kanina lang ay iba ang pagkakilala niya kay Riz. Tapos, malalaman ko na friends na sila. Nakakaduda. 
"Bakit naman. Mabait naman siya, a." Clueless si Riz sa nangyari, kaya niya iyon nasabi.
"Ikaw ang bahala. Basta ang masasabi ko sa 'yo, iba ang mabait sa nagbabait-baitan." 

‘Di na siya nag-usisa pa dahil dumating na ang prof namin.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...