Followers

Saturday, June 20, 2015

BlurRed: Foreigner

"Hindi ko nga alam kung magkakabalikan pa kami. Ang labo niya. Hindi niya man lang ako binibigyan ng chance na magpaliwanag." litanya ko nang makausap ko kagabi si Jeoffrey. Ang sama kasi ng loob ko. Kailangang magbawas. Pinakinggan lang niya ako. "Siguro, hindi na niya ako kayang mahalin. Minsan nga rin naiisip ko na baka siya ang may ginagawang kasalanan kaya ganun na lang niya ako pagbintangan."

Napatingin si Jeoffrey. Nakita ko rin kung paano siya napalunok.

"Tama ba ako?" tanong ko.

"Hindi ko alam, Bro. S-siguro.."

Kahit wala namang nasabi si Jeoffrey sa problema ko, nakatulong pa rin siya sa akin. Kahit paano ay nabawasan ang hinanakit ko.

Pagkatapos kong mag-perform, niyaya ako ni Jeoffrey na uminom. Pumayag naman ako. Pakiramdam ko kasi mayroon kaming dapat pag-usapan.

Hindi kami sa MusicStram uminom. Iyon ang request ko. Nakapagpaalam na rin ako kina Mommy at Daddy.

Sa isang videoke bar kami pumasok. Kumanta lang kami ng tigdalawa saka kami nagconcentrate sa pag-inom. Nakadalawang bucket na kami nang sumuka na si Jeoffrey sa CR. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ako nga rin ay nahihilo na rin. Mabuti na nga lang at tumawag si Boss Rey. Ako ang kumausap.

Sinundo niya kami. Sa bar niya dinala si Jeoffrey. Magagalit ang nanay niya pag inuwi niya itong lasing na lasing.

Nagalit si Boss sa amin. Next time raw, wag na kaming maghanap ng ibang bar.

Hindi agad ako nakatulog kagabi kasi inalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Jeoffrey. May naikuwento raw kasi sa kanya si Dindee. May manliligaw ang girlfriend ko. Isang foreigner daw na nakilala niya sa Boracay last May.

Mahal ko pa siya kaya nasaktan ako ng husto. Naniniwala ako kay Jeoffrey. Pero, hindi ko siya ipapahamak. Hindi ko sasabihin kay Dindee na alam ko. Gusto ko, siya mismo ang magtapat.

Kaya kaninang hapon, nang mawala na ang hangover ko, nag-FB ako. Binisita ko ang timeline ni Dindee. Wala man akong nakitang masama sa picture na kasama niya ang foreigner at ang pamilya nito, yata, nakaramdam pa rin ako ng selos.

Nakakaselos naman talaga. Ang lakas niyang mambintang kay Riz. Siya pala ang may ginagawang kabulastugan.

Ni-like ko ang picture nila. Kung pwede lang mag-comment ng masama, ginawa ko na.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...