Followers

Friday, June 19, 2015

BlurRed: Reporter

“Uy, ang ganda ng kuha natin nung birthday ng Mommy mo!” bati sa akin ni Riz kakaupo pa lamang niya. Nauna kasi akong dumating sa first period namin.

Napatingin sa kanya si Fatima at ang mga close classmates namin. Tumango lang ako kasi nahiya ako. Parang sinasabi nina Fatima na lakasan pa namin. Hindi naman iyon napansin ni Riz. Kinausp ko na lang siya ng pabulong. Iniba ko pa nga ang usapan.

Nakikita kong mainit lagi ang dugo ni Fatima kay Riz. Kung ano man ang dahilan, bahala siya.

Nang dumating ang prof namin, tinawag agad ang reporter. Si Fatima pala. Kaya pala, mainit ang ulo.

“May naunawaan ka kay Fatima?” Iyan ang text sa akin ni Riz.

Wala akong load kaya, nag-type na lang ako sac p ko. “Wala nga, e. Wag kang maingay. Makikinig ako. Jeje.” Sagot ko.

“Tumigil ka. Di ka naman nakikinig. Tinitigigan mo lang siya.”

“Hindi kaya.”

Kung ano-ano pa ang napansin naming kay Fatima. Pati nga ang mga paulit-ulit niyang pagsalita ng ‘alright’ ay ginawa naming katatawanan. Binilang namin.

“May problema ka ba sa akin, Ms. Riz?” nakataas ang noong tanong ni Fatima, nang matapos ang period.

Halatang nabigla si Riz kaya napatingin sa akin. Nanghihingi ng saklolo.

“What’s wrong, Fatima?” Ginawa kong mas sweet ang tanong ko.

Pero galit pa rin si Fatima. “Tawa kayo ng taw habang nagre-report ako. Nakakainsulto kaya!” pabulyaw na sagot niya.

“Hindi ah. Natatawa kami sa nagtetext kay Riz. Gusto mong mabasa?” Hinihingi ko pa kay Riz ang cellphone niya pero, umismid na si Fatima at dali-daling lumayo sa amin.

Nagtinginan na lang kami ni Riz. Kinabahan siya.

“Wala ‘yun!” sabi ko.

“Thanks, ha? Akala ko mapapawaay ako.”

“Hindi ko papayagang mapahamak ka..” Tiningnan niya ako. Ngumiti siya. Para akong nahipnotismo







No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...