Followers

Saturday, June 20, 2015

Masarap Kumain, Marami ang Bawal

Maraming gawain ang dapat pala nating iniiwasan pagkatapos kumain sapagkat may naidudulot silang panganib sa kalusugan. Ang akala nating tama, mali pala. Mayroon din tayong nakasanayang gawin na pinaniniwalaan nating wasto, ngunit mapanganib pala sa ating katawan.
Ang mga mahilig sa paninigarilyo ay nakasanayang magsindi ng sigarilyo pagkatapos kumain. Marami ang dahilan dito. Una, ito raw ay nakakawala ng suya o lansa sa dila. Ang iba ay naniniwalang mapapabilis ang metabolismo. Kahit anong oras, delikado sa katawan ang sigarilyo. Mas malala nga lamang ang dulot nito kapag pagkatapos kumain dahil ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, sampung beses na mas matindi ang epekto nito sa baga ng isang tao.
Ang prutas ay masarap daw gawing panghimagas, kaya nakasanayan nating lahat na ihain ito pagkatapos kumain. Mali pala ang gawaing ito. Ang pagkain ng prutas pagkatapos kumain ay magdudulot ng pagbabara ng mga pagkain. Kapag nangyari ito, hindi agad makakarating ang mga kinain sa bituka, na magiging sanhi naman ng pagkabulok ng mga ito sa ating tiyan. Dahil dito, pinapayo ng mga doktor na kainin ang mga prutas, isang oras bago o pagkatapos kumain. Mas maigi kung sa umaga ito kakainin, kung kailan wala pang laman ang sikmura sapagkat mas magagamit ng katawan ang sustansiya ng prutas para sa maghapong mga gawain.
Huwag ding iinom ng tsaa o iced tea habang kumakain sapagkat ito ay nagtataglay ng mataas na uri ng acid, na nagiging dahilan upang ang mga kinain ay tumigas. Kapag tumigas ang mga kinain, mahihirapan itong ma-digest. Kaya, mas mainam na inumin ang tea, isang oras pagkatapos kumain.
Sa pagsakay ng kotse o ibang sasakyan, bawal ang magtanggal ng seatbelt, gayundin sa pagkain. Masama ito para sa kumakain. Ang pagluwag ng sinturon upang makadaloy ang mga kinain ay nakakasama sa katawan dahil magbibigay ito ng labis na gana. Obesity ang kasunod nito. Pero, hindi naman pinapayo na magsuot ng sinturon bago kumain. Moderation sa pagkain ang punto rito.
Ang pagligo, lalo na ang paglangoy ay masama sa kalusugan kapag ginawa pagkatapos kumain. Pinabibilis kasi nito ang daloy ng dugo patungong kamay, binti at iba pang bahagi ng katawan, na magiging dahilan naman upang maubusan ng blood circulation sa palibot ng tiyan. Habang nangyayari ito, humihina naman ang digestive system ng katawan.
Maglakad-lakad daw pagkatapos kumain para matunaw agad ang kinain. Mali ang kaisipang ito. Dapat nating tandaan na ito ay magdudulot ng acid reflux at indigestion. Ngunit kung gagawin ito kalahating oras pagkatapos kumain, ito ay magiging kapaki-pakinabang.
Ang sarap matulog pagkatapos kumain, ngunit ang bunga nito ay hindi kanais-nais sapagkat ang pagkaing kinunsumo ay hindi kaagad matutunaw. Magiging sanhi ito ng impeksiyon sa bituka at sikmura.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng 'Masarap ang Bawal.' Subalit, tandaan nating hindi lahat ng masarap ay nakakabuti sa ating kalusugan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...