Followers

Saturday, June 27, 2015

Bahaghari sa White House

       Nagkulay-rainbow ang harapan ng White House  noong Hunyo 26, 2015 dahil pinagdesisyunan na ng korte suprema ng Estados Unidos na gawing ligal ang same sex marriage. Pati nga mga profile pic ng mga Facebook users ay naging kawangis ng bahaghari ang kulay. Ito ang simbolo ng tinatawag na ikatlong kasarian.
      Siyempre, nagbunyi ang LGBT community sa lahat ng panig ng mundo. Samantalang, isa naman ako sa nalungkot sapagkat nalabag ang mga salita ng Diyos.
      Bagamat, ang pag-ibig ay walang kasarian, edad o kulay at kahit sino ay pwedeng magmahalan, mali pa rin ang magpakasal ang dalawang lalaki o dalawang babae.
      Marami ring paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Maaari naman silang magmahalan sa magandang paraan ngunit ang pagpapakasal ay isang malaking kalapastanganan. Hindi na ito nakakapagpaluwahati sa ating Panginoon.
       Ang same sex marriage ay pabor man sa iba, mas marami pa rin ang nakakaalam sa matuwid na pamumuhay.
       Anumang kasarian, edad o kulay natin, dapat nating tandaan na ang lalaki ay para sa babae at ang babae para sa lalaki.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...