"Na-miss kita, Riz." pabulong kong sabi habang nasa library kami.
Mabilis niyang binawi ang tingin. Akala ko ay hindi niya narinig. Ngunit nang matapos ang klase namin at habang naghihintay kami ng dyip, tinanong niya ako. "Bakit mo ako na-miss?"
Natigalgal ako. Nakalimutan ko na kasi. Masyado nang late ang kanyang sagot kaya hindi ko na halos maalala kung bakit siya nagtatanong ng ganun.
"Kanina. Sa library. Sabi mo, na-miss mo ako. Bakit?" Sumilay ang matamis niyang ngiti.
Ginantihan ko siya ng mas matamis na ngiti pero may konting hiya. Hindi ko kasi alam ang sagot. Bakit ko nga ba nasabi iyon?
"Yan ang epekto ng kawa-wattpad mo. Kung ano-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo. Uy, parahin mo na."
Sumakay kami ng dyip na pinara ko pero hindi kami magkatabi. Magkaharap kami. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.
Tinext niya pa ako pagdating niya sa bahay nila. Huwag daw akong ganun.
Anong huwag ganun? Ibig niyang sabihin, ayaw niya na namimiss ko siya? O ayaw niya na ligawan ko siya? Ang labo naman niya. Paano kung namimiss ko nga siya? Paano kung gusto ko siyang ligawan.. ulit?
Sana pwede ko naman siyang gitarahan. Haranahan...
Pero, alam ko..
Sa ngiti pa lang niya kanina, alam kong kinilig siya..
Followers
Monday, June 15, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment