"Red?!" Isang malamyos na tinig ang nagpalingon sa akin mula sa pagbabasa ko ng mensahe sa text.
"R-riz?" Isa namang ngiti ang iginawad ko sa kanya. Namesmerize akong talaga sa kanya kaya tila napako ang ngiti ko.
"Tara na." Ikinawit na niya ang kamay niya sa braso ko at parang robot akong sumunod sa kanya.
Whew! Ibang-ibang Riz ang kasama ko kanina. Malayong-malayo sa kanya ang Riz na biktima ng pang-aabuso. Nagtila anghel siya sa suot niyang uniporme. Puting-puti ito. Kulang na lang ay pakpak at lilipad na kami. Ang sarap sa pakiramdam.
"Sorry, we're late." sabi niya nang bumungad kami sa classroom ng una naming subject.
Di ko na narinig ang sagot ng prof. Ang alam ko lang ay para akong nakalutang sa alapaap.
Ang saya ng first day! Si Riz lang ay kompleto na ang araw ko. Wala akong nakilalang iba dahil sa kanya. Siya lang kasi ang kausap at kaharap ko lagi. Hindi ko kinainisan ang madalas niyang pakikipagkuwentuhan niya sa akin, lalo na't aliw na aliw akong titigan ang mapupula niyang labi. Bawat kibot ng kanyang mga labi ay parang langit sa akin.
Malungkot lang nang matapos ang unang araw ng pasukan dahil kailangan na naming maghiwalay.
"Kanina ka pa walang imik.." turan niya. "May problema ba?"
"Wala naman. Hindi lang talaga ako makapaniwalang magkaklase na naman tayo. Di ka ba nagsasawang kasama ako?"
Tumawa siya. Nakaka-inlab.
"Bakit naman ako magsasawa, aber? Baka ikaw ang nagsasawa kasi ayaw mong magsalita kanina. Tingin ka lang ng tingin sa akin.."
Namula yata ako. Mabuti na lang at magkatabi kaming naglalakad. Hindi niya napansin.
"Masaya ako, kaklase kita." Gusto kong hawakan ang kamay niya para HHWW kami. Kaso, inabot ako ng hiya.
"Ako rin.." Tiningnan niya pa ako.
Ang sarap sa feeling! Sh*t!! Hindi malabong mahulog uli ako sa kanya..
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment