Followers

Monday, June 1, 2015

BlurRed: Daplis

"Hello, Red! Pwede ka bang tumugtog mamayang gabi?" Kakaalmusal ko lang nang tumawag si Boss Rey.

Humindi ako. "Biyernes at Sabado na lang po ang usapan natin, Boss.." paalala ko sa kanya, nang ipilit niya ang gusto niya. May grupo daw kasi na nag-request sa akin.

Nakakatuwa pero hindi ako magiging consistent o firm kapag pumayag ako. Isa pa, parang iba ang kutob ko. Mukhang mauulit ang nangyari noon. Nakakawala siya ng tiwala.

"Sayang naman.." sabi pa niya.

"Di bale na po.."

Maya-maya, si Jeoffrey na naman ang tumawag.

"Anong pakulo ito, Bro?!" Galit ako.

"W-wala! Hindi ko alam. Basta sabi sa akin ni Boss hikayatin daw kita. Wala akong alam na pakulo niya.."

"Siguraduhin mo lang. Hindi niya ako maiisahan. Sana malaman niya na alam ko ang mga balak niya. Ginawa na niya minsan, hindi na niya mauulit..."

"Naano ka na niya?" Nag-Oh my gosh pa si Jeoffrey. Baklang-bakla. Nahawa na yata kay Boss Rey.

Natawa tuloy ako. "Gago! Hindi. Daplis lang."

"Daplis ka dyan! Ano 'yun, arrow?" 

Nagtawanan kami.

"Kaya pala patay na patay sa'yo ang amo natin. Nadaplisan ka lang pala. Sorry siya.."

Tumawa ako hindi sa sinabi niya kundi sa sinabi kahapon ni Daddy na bakla si Jeoffrey. Parang gusto ko nang maniwala.

May naisip tuloy akong plano. Gusto ko siyang paaminin. Hehe.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...