Followers

Friday, June 26, 2015

Ang Pakpak ng Pipit

Pipit, siya'y isang pipit
Sa sanga ng puno
Namumuhay nang payak.
Mga mangangaso'y dumating
Tirahan niya'y inangkin.
Binali pa, kanyang pakpak
Dahilan upang siya'y di makalipad
Oo.. Pansamantala.

Muling sumikhay
sa himpapawid, pumaimbulog!
Sugatang puso, naghilom kusa.
Ibong kayliit-liit
sa ere, hindi namalagi:
Nagpagaling sa lupa.
Bagama't kapos pa sa lakas,
Malinaw pa rin ang pananaw.

Nang pipit naging lawin
Kakayahang mandagit
Hindi niya ninais.
Bagkus, humayo!
Sa ulap, pumaroon
At muling magbabalik
Upang ang baling pakpak
Mapanumbalik.


No comments:

Post a Comment

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...